Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JaDine, balik ng Sanfo para gunitain ang masasaya nilang araw doon

112015 jadine

00 fact sheet reggeeSA mga OTWOLISTA sa Sacramento California magkakaroon ng tour sina James Reid, Nadine Lustre, at Paulo Avelino with Kyla sa Memorial Auditorium, Sacramento California sa Enero 10.

Matagal na raw itong hinihiling ng TFC subscribers sa nasabing bansa at ngayon lang matutuloy dahil naging busy ang lahat sa nakaraang holiday season.

Kaya kasama si Kyla ay dahil siya ang kumanta ng sound track ng On The Wings of Love.

Samantala, pagkatapos ng Sacramento tour ay balik San Francisco ang JaDine para sa mga eksenang kukunan na roon sila unang nagkakilala para gunitain ang masasayang araw nila.

Tanda mo Ateng Maricris sa huling presscon ng JaDine ay natanong kung babalik sila ng Sanfo at hindi nila masagot kasi ayaw nilang ma-pre-empt na dapat sana ay noong Disyembre ang pagbalik ng OTWOL cast kasama si direkAntoinette Jadaone para sa additional scenes kaso naging busy ang lahat lalo na ang lady director dahil may entry siya sa nakaraang  Metro Manila Film Festival.

Sayang nga at hindi makakasama sina Albie Casino, My Labs Tiffanny na siBianca Manalo, at Nico Antonio bilang si Boyet dahil tuwang-tuwa raw sila sa tambalan ng dalawa. Nabanggit din sina Bailey May at Ylona Garcia na maraming tagahanga rin sa nasabing bansa ayon sa taga-TFC na hinayang na hinayang ang mga kaibigan at kaanak na nag-aabang sa kanila.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …