
FOLLOW-UP ito sa tsikang break na sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo rito saHataw na nag-post na ang talent handler ng dalawa na si Monch Novales sa kanyang Facebook account na magkakasama silang nag-dinner noong Lunes ng gabi kasama ang aktor na si Enchong Dee.
Napansin namin na maganda ang mga ngiti nina Bea at Zanjoe at magkatabi pa.
Kasi Ateng Maricris kung hiwalay na ang dalawa, eh, hindi sila magtatabi at hindi sila papayag na magpa-picture, pero mas mabuti nga sigurong magsalita ang dalawa kung ano ang real score nila.
Samantala, ang post naman ng handler ng dalawa, ”Na miss nila ako..but mas na miss ko sila. Thanks for the post holiday dinner with @zanjoemarudo @beaalonzo @mr_enchongdee.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com