Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Preso nagbigti sa selda

WALA nang buhay nang natagpuang  ang isang 37-anyos preso habang nakabigti sa loob ng selda ng Manila City Jail (MCJ) sa Sta Cruz, Maynila kahapon.

Kinilala ang biktimang si Rolando Reformado, may-asawa, nakakulong sa MCJ sa kasong parricide, at residente sa P. Paredes St., Sampoaloc, Maynila.

Sa report ni Det. Alonzo Layugan ng Manila Police District (MPD)-Homicide Division, dakong 7 a.m. nang matagpuang nakabigti ang biktima sa loob ng kanyang cubicle sa Dorm 12, ng MCJ sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Michael Dela Cruz, isa ring inmate, ginising niya ang kapwa preso para sa head count ngunit napansin ang biktimang nakabigti ngunit nakaupo sa Indian position, at may takip na polo shirt ang bibig.

Ayon kay Layugan, nagtangka na rin magpakamatay ang biktima noong nakaraang taon ngunit napigilan ng mga kapwa preso.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …