Nanonood ng naggagandahang fireworks sina Ibyang nang masunog ang sikat na hotel na ayon sa kanya ay ilang metro lang ang layo sa hotel nila.
Sabi ni Ibyang, ”200 meters away lang hotel namin sa The Address Hotel na naususunog. So, habang nanonood kami ng fireworks ng Burj Khalifa, pinanonood din namin ang sunog.
“Sa Damac Maison Hotel Canal Views kami naka-check in kaya dinasal lang namin na sana walang mga nasaktan kasi nag-start ang sunog sa 20th floor at ang building ay 63 floors, kaya roon kami naka-concentrate na sana nakababa lahat at laking tuwa naming pamilya nang malamang walang patay at 14 injured lang.
“Nakabibilib sila rito sa sobrang bilis kumilos at lahat ng mga tao sa taas ng 20th floor, eh, napalabas ng maayos, kasi pala ang mga building dito hindi puwedeng mag-operate ‘pag walang maayos na fire-exit. Galing!!”
Matatandaang may Pinoy photographer ang isinabit ang sarili sa lubid para makaalis sa tinutuluyang kuwarto sa The Address Hotel at saka humingi ng tulong sa mga pulis.
Kuwento pa ni Ibyang na ikalawang beses na nilang mag-asawa sa Dubai at dahil sa ganda ng nasabing bansa ay dinala nila ang mga anak nilang sina Arjo, Ria, Gela, at Xavi na unang beses palang nakarating.
Samantala, gandang-ganda naman sina Arjo at Ria sa Heritage Village na 35 yrs. na tinirhan ng mga taga-roon at na-preserve raw hanggang ngayon.
Nilibot ng pamilya Atayde ang lahat ng tourist spot sa Dubai na hindi gaanong pinupuntahan ng mga kababayang dumarayo roon kaya sobrang pagod pero masayang pamamasyal daw at bonding moment na rin nila dahil pagdating nila ng Pilipinas ngayong Enero 5 ay diretso sila sa taping ng kani-kanilang mga serye tulad ni Arjo sa FPJ’s Ang Probinsyano at sina Ibyang at Ria naman saNingning.
FACT SHEET – Reggee Bonoan