Friday , November 15 2024

26 sugatan sa bus na nahulog sa bangin

NAGA CITY – Sugatan ang 26 katao makaraang mahulog ang isang pampasaherong bus sa bangin sa Brgy. Bagong Silang, Calauag, Quezon, pasado 11:30 p.m. kamakalawa.

Ayon kay PO3 Arnel Asares ng PNP-Calauag, biyaheng Maynila galing Bicol ang Mega Bus Line na minamaneho ni Felicito Avelida nang mawalan ng kontrol at mahulog sa bangin.

Pinaniniwalaang nakatulog ang driver ng bus na naging daan upang mawala sa kontrol.

Agad dinala sa ospital ang 26 mula sa 48 pasahero ng bus na nasugatan.

Ayon kay Asares, siyam na lamang ang nananatili ngayon sa ospital at ang 17 ay nakalabas na.

Kung maaalala, noong nakaraang Sabado lamang nang maaksidente rin ang isang bus sa bayan ng Sariaya na nagresulta sa pagkasugat ng 42 pasahero at isa ang namatay.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *