Friday , November 15 2024

26 pasahero ng jeep na tinangay sa Basilan nasagip ng pulisya

ZAMBOANGA CITY – Ligtas na narekober ng mga pulis ang 26 pasahero ng isang public utility jeepney (PUJ) na napaulat na tinangay ng armadong kalalakihan kasama ng kanilang sinasakyan sa Brgy. Pipil, Ungkaya Pukan, Basilan kamakalawa.

Sa report mula sa Ungkaya Pukan municipal police station, nagmula ang naturang sasakyan sa munisipyo ng Tumahubong kamakalawa lulan ang agricultural products at papunta sana sa bayan nang harangin ng ilang aramdong lalaki.

Tinangay ng mga suspek ang sasakyan gayondin ang lahat ng mga pasahero ngunit makalipas ang anim na oras ay nakita sila ng nagrespondeng mga pulis ng Ungkaya Pukan municipal police station.

Napag-alaman, ang sasakyan (JCM 930) ay minamaneho ni Mambik Uyong, 31-anyos, at pag-aari ng isang Mukim H. Mahilul, 50.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng carnapping ang motibo ng mga suspek.

Ayon sa Western Mindanao Command (WestMinCom), napag-alaman nilang away mag-asawa lamang ang dahilan sa insidente.

Hindi anila sinaktan ng armadong mga lalaki ang mga pasahero.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung ano talaga ang unay na motibo ng mga salarin sa insidente.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *