Friday , November 15 2024

Itaas ang diskurso sa politika

EDITORIAL logoSA susunod na buwan, papasok na ang campaign period at inaasahang higit na magiging matindi ang mga batikusan at siraan sa panig ng magkakalabang politiko.

Ang iba’t ibang anyo ng black propaganda ay mangyayari at malamang maging ang pamilya ng bawat kandidato ay madamay sa eleksiyong ito.

Nakalulungkot,  imbes pagtuunan ng pansin ang kani-kanilang mga plataporma de gobyerno, higit na nasesentro ang kampanya ng mga kandidato sa kung papaano nila sisirain ang kanilang mga kalaban sa politika.

Kailangang maitaas ang diskurso sa politika. Itigil ang batikusan at siraan, at sa halip ipaliwanag ng bawat kandidato ang kanilang mga programa na pakikinabangan ng taumbayan sakaling sila ay mahalal.

Ang mga nagbabangayang kandidato na tumatakbo sa pagkapangulo ay hindi magandang ehemplo sa taumbayan. Nagbibigay rin ito ng lakas ng loob sa mga kandidato sa lokal na posisyon na gawin ang mga maling pamamaraan ng kampanya dahil ito ang nakikita nila sa mga tumatakbo sa pagkapangulo at iba pang posisyon sa national level.

Nasa taumbayan din ang pagpapasya.  Nasa kamay ng bawat Filipino kung sino ang karapat-dapat na ihalal nilang kandidato. Maging mapanuri at matalino sa pipiliing kandidato para sa isang tunay na lingkod-bayan.

About Hataw News Team

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *