Sunday , December 22 2024

458 sugatan, 1 patay sa paputok (DoH bigo sa kampanya)

0104 FRONTLUMOBO na sa 458 ang bilang ng mga sugatan at isa ang namatay dahil sa mga paputok kaugnay sa pagsalubong sa bagong taon.

Kinompirma kahapon ni Health Secretary Janet Garin, mula sa 384 na naitala simula noong Disyembre 21, 2015 hanggang Enero 1, 2016, umakyat pa ang bilang nito.

Inilagay na rin sa tala ng DoH ang isang namatay na taga-Sta. Mesa, Maynila na niyakap ang tubo na may inilagay na malakas na paputok na “Goodbye Philippines” (ayon sa iba ito ay aerial firework).

Samantala, agad nilinaw ni Garin na sa kabila na umabot na sa 458 ang bilang ng mga sugatan, mas mababa pa rin aniya ito ng 44 porsiyento kompara sa pagsalubong sa new year noong nakaraang taon sa kaparehas na petsa.

Una nang lumutang ang ilang impormasyon na mas tumaas pa raw ngayon kung tutuusin ang bilang ng mga biktima ng paputok.

Ngunit giit ni Garin, matagumpay ang kanilang kampanya sa tulong ng media at lalo nang PNP.

Ito aniya ay 49 porsiyentong mas mababa sa five year average.

Iniulat din ng kalihim na umabot din sa siyam na mga menor de edad ang naputulan ng kamay dahil sa firecrackers.

Ikinatuwa niya sa ngayon, walang insidente na may nakalunok ng luces o kaya piccolo, hindi tulad nang dati na may mga insidente na umaabot ng hanggang sa siyam na mga kaso.

Inaasahang tatanggap pa ng mga data ang DoH hanggang sa Enero 5.

Biktima ng fivestar, plapla naibsan, piccolo tumindi

NAPANSIN ng Department of Health (DoH), walang masyadong sugatan sa pagsalubong ng bagong taon dahil sa paggamit ng mga paputok na tulad ng Five Star, pla-pla at boga.

Kompara anila noong nakalipas na taon na mataas ang insidente na mga sugatan dahil sa nasabing ipinagbabawal na mga paputok.

Nagpapakita lamang anila na nagiging epektibo na ang kampanya laban sa ganitong uri ng mga paputok.

Maaaring nakatulong din anila ang mga magulang sa pagsaway sa kanilang mga anak.

Napansin din na wala ni isa mang insidente nang pagkalason o ingestion ng watusi at piccolo taliwas sa nakalipas na mga taon.

Sa ngayon, ang pinakamaraming sugatan na nabiktima ng paputok ay dulot ng piccolo at ang karamihan sa kanila ay mga bata.

Biktima ng ligaw na bala 41 na – PNP

UMABOT na sa 41 ang bilang ng mga biktima ng stray bullet sa pagsalubong ng bagong taon 2016.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), pito sa mga biktima ay pawang menor de edad at ang pinakabata ay 3-anyos mula sa Zamboanga del Norte.

Sinabi ni PNP spokesperson Chief Superintendent Wilben Mayor, wala pa silang naitalang namatay dahil sa stray bullet mula nang ginawa ang bilangan noong Disyembre 16.

Samantala, siyam na suspek na rin ang inaresto ng pulisya dahil sa ilegal na paggamit ng baril.

Sa sariling talaan ng PNP, nasa 272 ang biktima ng paputok habang isa ang namatay.

Taliwas ito sa ulat ng Department of Health (DOH) na nasa 458 na ang mga biktima ng paputok.

4-anyos nakalunok ng pito ng torotot

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakalabas na sa bahay-pagamutan ang isang batang lalaking nakalunok ng pito ng tarotot sa probinsiya ng Bukidnon.

Matagumpay na nakuha ng mga doktor ang pito ng tarotot sa biktimang si Keymart Camarillo, 4, ng Maramag, Bukidnon.

Una nito, sinasabing napabayaan ng ina ang biktima na naglalaro ng tarotot hanggang malunok ng bata ang pito.

Mabilis na dinala ang bata sa Northern Mindanao Medical Center at suwerteng naagapan ng mga doktor.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *