Tuesday , April 7 2026

Yearly Archives: 2015

Heneral Luna, patuloy na pinipilahan

NAKALULULA ang pila sa pelikulang Heneral Luna na pinagbibidahan ni John Arcilla dahil kahit last full show na ay marami pa ring tao kagabi sa Gateway Cinema na dalawang sinehan palabas, Robinson’s Magnolia, at Eastwood Mall/Eastwood Citywalk 2. Kuwento nga sa amin ng takilyera, pa-pull out na raw angHeneral Luna noong nakaraang linggo nang bigla itong humataw dahil sa word …

Read More »

Gov. Vilma Santos, kinoronahan bilang The Queen of Batangas ng Muslim Community

TUWANG-TUWA at excited si Gov. Vilma Santos sa pagtanggap ng natatanging parangal na ibinigay ng Muslim Community sa kanya kamakailan. Ito ay ang pagkakatanghal sa kanya bilang Queen of the Province, Holder of Authority (Baealabi A Gausa Sa Batangas) noong Sabado, Setyembre 26, sa Lima Park Hotel sa Malvar/Lipa City Batangas. Mismong ang Royal Highness Sultan Paramount Faizal Coyogan Benaning …

Read More »

AlDub fans, may bagong aabangang commercial

HINDI na talaga mapigil ang pagsikat ni Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza. Pagkatapos ng McDo commercial at Talk N’ Text niya kasama si Alden Richards at O+ Ultra kasama naman si Lola Nidora (Wally Bayola), mayroon pang isang endorsement. Ang tinutukoy namin ay ang pag-trend ng hair shampoo commercial na gagawin ni Maine na kaagad ngang pinagkaguluhan sa social media. Ang …

Read More »

Harassment laban sa Bulabugin ibinasura ng korte

DAHIL malinaw na harassment lang naman ang layunin ng nagsampa ng kasong libelo laban sa inyong lingkod, hayun nakita ng hukuman na labag sa hurisdiksiyon ng batas ang asunto kaya agad itong ibinasura. Sa simula’t simula pa lamang ay hindi naman dapat sumampa ang nasabing asunto dahil bukod sa maling hurisdiksiyon ay wala naman sa isinulat nating artikulo ang pangalan …

Read More »

P6-M shabu kompiskado sa bigtime pusher/holdaper

TINATAYANG aabot sa P6 milyong halaga ang dalawang kilo ng shabu na nakompiska ng mga awtoridad mula sa tatlong hinihinalang bigtime drug pusher at holdaper sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Rosario, Pasig City kahapon ng madaling-araw. Sa ulat kay NCRPO director, Chief supt. Joel Pagdilao, kinilala ang naaresto na sina Nhelmar Mendiola at Noel Mendiola, mag-ama, at …

Read More »

Harassment laban sa Bulabugin ibinasura ng korte

DAHIL malinaw na harassment lang naman ang layunin ng nagsampa ng kasong libelo laban sa inyong lingkod, hayun nakita ng hukuman na labag sa hurisdiksiyon ng batas ang asunto kaya agad itong ibinasura. Sa simula’t simula pa lamang ay hindi naman dapat sumampa ang nasabing asunto dahil bukod sa maling hurisdiksiyon ay wala naman sa isinulat nating artikulo ang pangalan …

Read More »

Heneral Luna patok na patok sa Pinoy viewers

Maituturing na tagumpay ang pelikulang Heneral Luna sa panahon na ang kinahihiligan ng mga manonood  ay mga pelikulang dayuhan habang sa lokal naman kundi romance ay action film na ang bida ay mga kriminal. Sa pagkakataong ito, gusto natin paniwalaan na tumaas na ang kalibre at panlasa ng mga manonood na Filipino kasabay nang mahusay na naiaangkop ng manunulat at …

Read More »

Media bawal nang pumarada sa Kampo Karingal?

NABILI na nga ba ng Quezon City Police District Riders Club ang Kampo Karingal? Katunayan, ang Kampo Karingal o ang kinatatayuan nito ay hindi pag-aari ng QCPD o ng City Government at sa halip, pag-aari ito ng University of the Philippines (kung hindi ako nagkakamali) pero may nakapagsabi na naayos na raw ang lahat hinggil sa lupain. Ano pa man, …

Read More »

Roxas pumalo sa Pulse Asia Survey

SUMIPA na ang pag-endorso ni Pangulong Benigno S. Aquino sa pambato ng ‘Daang Matuwid’ na si Mar Roxas. Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, umangat na sa 20% ang rating ni Roxas. Umakyat ito mula 18% noong Agosto at mula 10% noong Hunyo. Si Roxas ang nagkaroon ng pinakamataas na pag-angat sa survey laban kina Senador Grace Poe at Bise Presidente …

Read More »

Mga retiradong heneral sa BoC masisibak?

Tuluyan kayang masisibak sa Bureau of Customs (BoC) ang grupo ng mga retiradong heneral mula sa kapulisan at kasundaluhan na tungkuling pa-tinuin ang takbo at palakasin ang kinikita ng aduwana? Dahil umano sa kanilang integridad at husay bilang lider ay itinalaga ang 14 na heneral para pamunuan ang ilang mahahalagang puwesto sa Customs, bilang kapalit ng mga regular na empleyado …

Read More »

 15-anyos dalagita hinalay muna bago pinatay (Sa CamSur)

NAGA CITY – Pinagsasaksak hanggang mapatay makaraang halayin ang isang 15-anyos dalagita Zone 3, Brgy. Impig, Sipocot, Camarines Sur kamakalawa. Ayon kay SPO3 Rodulfo Mitran ng Sipocot-PNP, inutusan ng ina ang dalagita na bumili sa tindahan ng toyo at sibuyas ngunit halos mag-iisang oras na ay hindi pa rin bumabalik. Agad humingi ng tulong ang ina ng biktima sa mga awtoridad …

Read More »

2 tiklo, 1 tinutugis sa ninakaw na kotse

ARESTADO ang dalawang lalaki habang tinutugis ang isa pa makaraang tangayin ang sasakyan ng isang mag-ina nang mag-check-in sa isang hotel sa Pasay City. Patuloy na hinahanap ng mga kagawad ng Pasay City Police ang pangunahing suspek na si Raymund Benedict Anthony Alviar, 29, binata, gym instructor ng 6 Puzon St., San Gabriel Village,Tuguegarao City. Habang nakapiit na ang kanyang …

Read More »

Sanggol, 2 bata sinakmal ng unggoy

BUTUAN CITY – Isinugod sa ospital ang isang sanggol at dalawang bata makaraang sakmalin nang nakawalang unggoy sa Brgy. Bayanihan, sa Lungsod ng Butuan kamakalawa ng gabi. Ang mga biktima ay itinago sa pangalang Sarah, 13-anyos; Kim, isang taon gulang; at Ervin, 10-anyos, pawang nakaranas din ng trauma makaraan ang insidente. Napag-alaman, isang taon nang nakatali ang naturang unggoy na …

Read More »

Customs Revenue Modernization Office buwagin (Rekomenda ng Kamara)

INIREKOMENDA ng committee on ways and means ng House of Representatives ang pagbuwag sa Office of the Revenue Agency Modernization (ORAM) ng Bureau of Customs (BoC) bunsod nang pagkabigong maabot ang kanilang performance targets. “We recommended that it be abolished,” pahayag ni Marikina Rep. Romero Federico Quimbo, chairman ng komite. “The committee determined that the underperforming retired generals were not …

Read More »

Babaeng sinapian ng bad spirit utas sa biyenan

BACOLOD CITY – Bumulagtang walang buhay sa gitna ng ulan sa labas ng kanilang bahay ang isang babae makaraang pagsasaksakin ng kanyang biyenan nang magwala ang biktimang sinasabing sinapian ng masamang espirito kamakalawa sa Sitio Canbanong, Brgy. Guiljungan, bayan ng Cauayan, sa Negros Occidental. Ayon kay PO1 Errol Sebua, case investigator ng Cauayan Police Station, ang 22-anyos biktimang si Annabelle …

Read More »

Hepe ng isang gov’t agency choosy guy

THE WHO ang isang government official na hindi akma sa kanyang posisyon ang asal sa ibang mamamahayag?! Himutok ng isang lady reporter na nagsumbong sa atin, “Choosy Guy” si sir or in short C.G., dahil namimili raw kung sino lang ang dapat na mag-interview sa kanya! Tinamaan ka naman ng magaling boss tsip parang ‘di naman makatao yata ang pinaggagagawa …

Read More »

Fetus nilapang ng aso sa Cebu (Natagpuan ulo at braso na lang)

CEBU CITY – Iniimbestigahan ng mga pulis kung sino ang mga magulang ng isang fetus na natagpuan  sa  sakahan ng Sitio Upper Tak-an, Brgy. Budlaan, Lungsod ng Cebu kamakalawa. Nabatid na tanging ulo at isang braso na lang ng fetus ang natagpuan ng grupo nina SPO2 Roy Jayme. Sinasabing natagpuan ang fetus ng isang Medie Tejero, 40, nakatira sa nasabing …

Read More »

4 resort employee nalason sa brownies

DAGUPAN CITY – Hinihinalang nabiktima ng food poisoning ang apat empleyado ng resort kabilang ang 68-anyos lola, makaraang kumain ng brownies bread sa Brgy. Tiblong bayan ng San Fabian, Pangasinan kamakalawa. Mismong ang may-ari ng Moonlight Bay Resort na si Ginang Ofelia Sharzadeh ang nagparating sa pagkalason ng mga empleyado niya na kinilalang sina Dessy Ann Buado, 19, front desk; …

Read More »

Mag-utol missing sa hagupit ni ‘Jenny’

DALAWA katao ang napaulat na nawawala dahil sa pananalasa ng bagyong Jenny partikular sa bahagi ng Mindanao. Ito’y batay sa latest update ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC). Kinilala ni NDRRMC executive director Alexander Pama ang dalawang nawawalang magkapatid na sina Paharoddin Ting-galong, 20, at Lacmodin Ting-galong, 16, pawang mga residente ng Labangan, Zamboanga del Sur. Sa nakuhang …

Read More »

Mar, susuportahan ni Kris sa 2016

Sa kabilang banda, siguradong si Mar Roxas na ang iboboto ni Kris base na rin sa sagot niya sa fast talk na sana manalo ang kandidato ng kapatid niyang si PNoy sa pagka-Pangulo sa 2016. Mapapanood na ang Etiquette For Mistresses sa Setyembre 30 kasama sina Claudine Barretto, Cheena Crab, Iza Calzado, at Kim Chiu mula sa diresksiyon ni Chito …

Read More »

Bistek at Tetay, tuloy pa rin sa 2015 MMFF

SA Aquino and Abunda Tonight noong Biyernes sinabi ni Kris Aquino na tuloy si Quezon City Mayor Herbert Bautista bilang leading man niya sa pelikulang entry ngStar Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival. Maraming nagsulat na si Derek Ramsay daw ang bagong leading man ni Kris sa Mr and Mrs. Split base na rin sa sinabi ng Queen of …

Read More »

Central Park NYC, ‘di umepek kina Sam at Jennylyn

NATUWA kami sa full trailer ng PRENUP movie nina Sam Milby at Jennylyn Mercado na idinirehe ni Jun Robles Lana handog ng Regal Entertainment na ipalalabas na sa Oktubre 14, nationwide. Kung tutuusin ay common na ang istorya ng PRENUP na tungkol sa anak mayaman na ikakasal sa mahirap na hindi pabor ang magulang kaya papipirmahin ng pre nuptial agreement …

Read More »