Isa pang libel ng Bulabugin pinaniniwalaang maibabasura rin

uphold press freedomIsa pa pong libel case ang hinaharap pa natin. Ito po ay tungkol sa talamak na droga sa Don Bosco, Tondo, Maynila.

Naniniwala rin ang inyong lingkod na muli itong maibabasura.

Ang talamak na bentahan ng droga sa Don Bosco nang isulat natin ay naitanong lang natin at nabanggit ang pangalan ng isang opisyal ng MPD sa ating kolum.

Aba kamukat-mukat ninyong biglang nagsampa ng asuntong libel?!

Sinisiraan daw siya!?

What the fact!?

Halatang-halata na minadali ang paglalabas ng warrant nito noong Lunes Santo at hindi dumaan sa standard operating procedure (SOP) na dapat ay isang linggo bago ipadala sa MPD warrant section dahil may nag-hand carry sa kanila at inihain pa laban sa inyong lingkod sa araw mismo ng Easter Sunday sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pero sabi nga, what comes around, goes around — KARMA ang tawag diyan.

Hindi ba nagmamagiting na Kapitan?!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com