Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5-anyos nene patay, 26 nalason sa buko juice

1223 FRONTBACOLOD CITY – Patay ang 5-anyos batang babe habang 26 iba pang menor de edad ang naospital makaraang malason sa ininom na buko juice sa bayan ng Calatrava, sa Negros Occidental, kamakalawa.

Batay sa kompirmasyon ni Negros Occidental health officer, Dr. Ernell Tumimbang, ang buko juice ang dahilan ng pagkahilo ng mga biktima na inihain sa Christmas party ng nasa ikalawang baitang sa kanilang paaralan.

Ang biktima ay namatay sa kanilang bahay sa Brgy. Maaslob sa nasabing bayan.

Napag-alaman, ang buko juice na ininom ng biktima ay dala ng kanyang ate na galing sa party.

Sinasabing nilagnat at nagsuka ang biktima ngunit hindi  ipinagamot ng kanyang mga magulang.

Ang ibang biktimang karamihan may edad na pito hanggang walo ay isinugod sa pagamutan nang makaranas ng pananakit ng tiyan, mataas na lagnat at dehydration dalawang araw makaraan ang party.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …