Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmine, leading lady sa Ang Panday

122215 jasmine curtis richard gutierrez

00 fact sheet reggeeMAY bagong project si Jasmine Curtis-Smith sa TV5 bukod sa leading lady siya ni Richard Gutierrez sa Ang Panday na mapapanood na sa 2016 ay may iba pang ibibigay daw kaya posibleng iwan na niya ang Happy Truck ng Bayan.

Ito ang tsikang narinig namin sa ginanap na Kidsmas Party ng TV5 para sa entertainment press noong Huwebes (December17).

Tinanong namin ang manager ni Jasmin na si Ms Betchay Vidanes kung aalis na ang alaga niya sa Happy Truck ng Bayan.

“Wala pa namang instructions from TV5 kung aalisin na kami,” mensahe sa amin ni Betchay.

Bakit laging wala si Jasmin sa Happy Truck ng Bayan, “mayroon kasing previous commitment si bagets (Jasmin), wait lang kami ng instructions ‘pag sinabi ng TV5 na gagawa siya ng ibang project, sunod lang kami,” sagot ulit ng manager ng TV host/actress.

‘Pag natuloy umalis si Jasmin, sino pang poste ng Happy Truck Ng Bayan, eh, wala na si Mariel Rodriguez-Padilla at balita namin ay aalis na rin si Gelli de Belen dahil palipat na siya ng ABS-CBN sa 2016?

Sina Derek Ramsay, Janno Gibbs, Tueday Vargas, Empoy, at Ogie Alcasid na lang matitira sa HTNB.

Sabagay, maraming produkto ng Artista Academy ang walang trabaho kaya ito na ang pagkakataong bigyan sila ng exposure kaysa kumuha pa sa labas.

Hmm, baka naman kasi brainchild naman ni Ms Wilma V. Galvante ang Artista Academy, ‘di ba Ateng Maricris.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …