Monday , December 23 2024

Lloydie, muntik na raw Magpahinga sa showbiz (Dahil sa ‘di pagkita sa takilya ng The Trial..)

070915 John Lloyd Cruz

00 fact sheet reggeeLOOKING forward si John Lloyd Cruz sa darating na Metro Manila Film Festival dahil ngayon lang siya makakasali simula noong nag-artista siya.

“Excited akong mag-participate sa MMFF kasi first time ko na Christmas season na may trabaho, so para maiba, okay din,” nakangiting sabi ni Lloydie.

Iisa ang sabi ng lahat, si JLC ang mananalong Best Actor sa darating na MMFF awards night sa Honor Thy Father.

“More than anything talaga, it’s not the awards, it’s not the box-office or kita, ang sa akin pinaka-excited ako sa fact na mayroong ganitong tema ng pelikula na part ng MMFF, gusto kong makita kung paano siya tatanggapin ng audience.

“Especially ang audience ng MMFF parang wala kasing ipinalalabas na ganitong tema.

“After a while in the business, parang nag-e-evolve na yata and nagkakataon na roon ako tinatangay o roon napupunta sa gusto ko. Pero hindi ibig sabihin na hindi na ako gagawa ng feel good movies natin.

“Bahala na sa ABS, or variety, kasi baka magsawa rin ‘yung mga tumatangkilik sa ‘yo,” pahayag ng aktor.

Mas type ba ng aktor ang mga ganitong klaseng pelikula tulad ng Honor Thy Father o The Trial kompara sa romantic comedy na sure winner naman sa box-office na hindi na siya kinakabahan?

“May kaba pa rin, kahit naman sa rom-com, may kaba. Itong ‘A Second Chance’ nga, hindi naman namin ini-expect na magiging big hit, in the end, hindi mo pa rin masusukat ang audience,” katwiran ng aktor.

Ayaw nang mag-drama sa TV

Nakatanggap kami rati ng inside information na ang pelikulang A Second Chance ay literally second chance na talaga ni John Lloyd dahil muntik na siyang magpahinga sa showbiz dahil na-depress siya sa resulta ng The Trial na break even lang sa takilya.

Sabi ni Lloydie, “hindi iyon (pagkakasabi), you know, after a while, ilang taon na ako sa (showbiz), mahigit kalahati ng buhay ko, nandito na ako sa ABS-CBN, 1997, siyempre, kailangan mong, minsan kasi hindi madaling sumakay sa transition, minsan hindi mo alam kung saan ka na lulugar, minsan hindi mo alam kung saang direksiyon. ‘Yun ‘yung sinasabi ko na ganoong konteksto ko siya nabanggit. Ang career naman namin (mga artista), minsan nariyan ka, minsan wala, ‘di ba? Ang importante, every chance you get, i-enjoy mo and do your best.”

At tungkol naman sa balitang ayaw na niyang mag-drama sa telebisyon kasi nga hindi naman nag-click ang Kay Tagal kang Hinintay kasama sina John Estrada at Bea Alonzo kaya mas type na lang ni Lloydie na mag-comedy tulad ng Home Sweetie Home nila ni Toni Gonzaga.

“Sa planning kasi, mas call nila (ABS-CBN), kasi ‘di ba, mayroon tayong commitment sa kontrata natin, kailangan nating i-honor ‘yun, ‘di ba?

“Siguro napapansin ko lang sa akin, lagi akong naghahanap ng gagawin ko, kahit na anong gawin ko, gusto ko talaga ‘yung gustong-gusto ko siyang gawin. Kahit na anong bagay na gawin ko, (dapat) gusto ko talaga siya,” katwiran ng aktor.

Honor Thy Father, napirata agad

Nalungkot ang aktor nang magkaroon ng world premiere ang Honor Thy Father dahil napirata na pala ito at nalaman lang niya nang banggitin sa kanya ng ilang kababayang Pinoy na ang ganda raw ng pelikula at ang galing ng aktor.

“Nakatataka kasi, kinabukasan pa ipalalalabas, so paano nila nalaman ang istorya, napirata na pala, nakalulungkot lang,” kuwento ng aktor.

Sabi pa, ”ganoon naman talaga, kasi pelikula mo ito, so pinaghirapan mo tapos ganoon lang.

“Ako, parang wala akong magagawa kasi hindi natin area (Optical Media Board) ‘yan, so dapat ‘yan ang trabaho ng mga nakaupo riyan.”

Positive reviews, natanggap ng Honor Thy Father

Samantala, nakatanggap ng positibong reviews ang Honor Thy Father sa nakaraang 2015 Toronto International Film Festival mula sa Hollywood reporters.

Nang mapanood din ito ni Lloydie sa nakaraang Cinema One Originals sa Trinoma kamakailan ay nagulat mismo si Lloydie dahil ang ganda pala ng pagkakadirehe ni Erik Matti kaya pala nabigyan ito ng Grade A sa Cinema Evaluation Board o CEB at R-13 naman sa MTRCB.

Kasama rin ni Lloydie sa Honor Thy Father sina Tirso Cruz III, Dan Fernandez, Boom Labrusca, Khalil Ramos, William Martinez, at Yayo Aguila.

Ito rin ang first venture ni John Lloyd bilang isa sa producer, yes Ateng Maricris, kasosyo ang aktor nina direk Erik at Dondon.

Natanong din ang tsikang hiwalay na sina John at Angelica Panganiban.

Iisa kasi ang tanong ng lahat kung bakit hindi magkasama sa Pasko ang dalawa dahil sa ibang bansa magdiriwang ang aktres kasama ang pamilya nito.

At nitong nakaraang US trip ni Angelica ay mag-isa rin lang siya at nabanggit na nag-soul searching siya.

Paliwanag ni JLC, “It’s a work season for us. It has been for quite a while mula nang mag-soap siya. Ngayon lang siya nakakuha ng break dahil kailangan sa istorya nila, ako naman ng magpunta siya sa New York may tinatapos ako na pelikula.”

Planong pagpapakasal kay Angelica

Sa tanong kung may plano na nilang magpakasal since nasa right age na naman sila pareho.

“I’d like to believe na walang ganoon. I’d like to believe na it’s going to happen as organic as it’s happening in my head, parang kapag naramdaman mo at nandoon na ang moment, parang doon na lalabas. Medyo ideal ako sa ganyang aspeto,” paliwanag ni Lloydie.

At hindi sa lahat, gusto ring i-consider ng aktor ang gusto ng magulang ni Angelica.

“Ang tingin ko roon dapat kung sino ang mapili na mahalin mo ay dapat mahalin din nila dapat, may blessing nila, dapat malinaw iyon sa pamilya at katanggap-tanggap,” makahulugang sagot ni JLC.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *