Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo Katigbak, bagong presidente at CEO ng ABS-CBN Corporation

122115 carlo katigbak abs-cbn
INANUNSIYO ng ABS-CBN Corporation ang pagtatalaga kay Carlo Katigbak bilang bagong President at Chief Executive Officer (CEO) simula Enero 1, 2016.

Magreretiro si Charo Santos-Concio sa Disyembre 31, 2015 ngunit patuloy na manunungkulan sa kompanya bilang Chief Content Officer, President ng ABS-CBN University, at Executive Adviser to the Chairman. Mananatili namang Chairman of the Board ng ABS-CBN si Eugenio Lopez III.

Mayroong 20 taong karanasan si Katigbak sa financial management at business operations, corporate planning, at general management.

Bago hiranging COO noong Marso 2015, si Katigbak ang naging Head of Access ng ABS-CBN. Pinamunuan at pinangunahan niya ang pagpasok ng ABS-CBN sa iba’t ibang negosyo gaya ng Sky Cable, ABS-CBNmobile, at ABS-CBN TVplus.

Nagsimula siya noong 1994 sa Sky, na hinawakan niya ang iba’t ibang posisyon bago maging VP for Provincial Operations noong 1998.

Noong 1999, inatasan si Katigbak na pangunahan ang internet business ng ABS-CBN at itinalagang Managing Director ng ABS-CBN Interactive.

Bumalik siya sa Sky Cable noong 2005, naging COO nito hanggang 2012, at naging pangulo nito noong 2013. Sa ilalim ng kanyang pamamahala, inilunsad ng Sky ang Digibox, na siyang sumugpo sa mga ilegal na koneksiyon at naghatid sa mga customer ng mas maraming mapagpipilian pagdating sa kanilang subscriptions.

Kumuha si Katigbak ng Advanced Management Program sa Harvard Business School noong 2009. Nagtapos naman siya ng Management Engineering sa Ateneo de Manila University noong 1991.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …