Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, ‘di na puwede ang makipaghalikan

060115 Mariel Rodriguez Robin Padilla
TIMING din pala na hindi na tinanggap ni Robin Padilla ang pelikulang Nilalang na pagsasamahan nila ni Maria Ozawa (Japanese sexy star) dahil may mga eksenang hindi akma sa paniniwala ngayon ng mister ni Mariel Rodriguez-Padilla.

Si Cesar Montano ang pumalit kay Robin na may kissing at love scene kay Ozawa.

Sa ginanap na contract signing ni Robin sa ABS-CBN kamakailan at nasulat na namin dati na babalik na siya sa Kapamilya Network ay nabanggit ng aktor na ang gusto niyang project ay tungkol sa pamilya.

Say ni Robin, “ako naman ang lagi kong ipinakikiusap sa pamunuan ng ABS, ‘yung father and son or father and daughter.

“Sa mga leading lady strict ang parents ko eh. Bawal na ang kissing scene. Family-oriented muna. Mas gusto ko muna ang family drama.”

Sabagay, napansin din namin ito sa mga huling serye ni Robin ay wala talagang kissing scene.

Type ring makasama ng aktor si Angel Locsin dahil ang huli nilang project ay comedy na Toda Max, “oo kasi hindi pa kami nakagagawa ng drama.”

Nabanggit din lang si Angel ay nalungkot si Binoe na hindi na magagawa ng aktres ang Darna.

“Nalulungkot ako sa naganap sa likod niya. Alam mo para sa akin, sa lahat ng nabahagian ko ng training sa martial arts, siya talaga ang nakita kong may potential.

“Pero siyempre tapos na ‘yun kasi mas magiging masaya siya sa decision niya. Kung sino man ‘yung magiging ‘Darna’ isipin na lang natin sana maging kasing galing ni Angel,” say ni Robin.

As of now ay inihahanda palang ang mga proyektong gagawin ni Robin sa ABS-CBN.

( Reggee Bonoan )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …