Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, pinagbawalang magsalita

112715 kris aquino
WALA nang solong presscon si Kris Aquino para sa pelikulang All You Need Is Pag-Ibig na entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival dahil wala pa rin siyang boses ilang araw na.

Tinanong namin ang personal assistant niyang si Alvin Gagui kung puwedeng ma-interview si Kris at kaagad kaming sinagot ng, “no voice po.”

At maski raw nagte-taping siya ng Kris TV ay hindi siya nagsasalita kundi tango lang ng tango at senyas, so sign language ito?

Inilagay si Kris sa kanyang IG noong Lunes ang medical certificate ni Dr. Keith Aguillera na sinabihan siyang ipahinga ang boses sa loob ng limang araw.

Sabi ni Kris, “I’am home, signing off & obeying my doctor- COMPLETE vocal rest. Bago nyo ko pagalitan na pinilit kong magtrabaho, uunahan ko na po kayo 1. I honored my commitments 2. The people I work closely with shouldn’t be deprived of Christmas income kung kakayanin ko pa naman and 3. We tried 2 days vocal rest but it wasn’t enough. GOOD NIGHT.”

Pero bago nagpunta si Kris kay Dr. Keith ay nagpa-check up muna siya kay Dr. Nick Cruz.

Aniya, “called my cousin in law, Dr. Nick Cruz because we were all worried already because my voice wasn’t recovering. He referred me to Dr. Keith Aguilera, and I was prescribed an anti inflammatory -anti allergy combination w/ an antacid in case my stomach gets upset. I was able to get checked now in St. Luke’s after taping w/ @itspokwang27& @erichgg on our way to taping w/#TeamKramer in National Bookstore.”

Iba pa ito noong huling ka-text namin na pinapagpahinga siya after ng shooting niya ng AYNIPI noong December 9 pa.

At habang nagpapahinga sa bahay ay sinamantala ng Queen of All Media ang pag-aasikaso ng mga reregaluhan niya ngayong Pasko at Bagong Taon habang ang bunso niyang anak na si Bimby ay tinatapos ang mga eksena niya sa All You Need Is Pag-ibig.

Post ni Kris sa IG, “last shooting day for Bimb, I’ve been communicating w/ everyone at home using yellow pad & pen… We prepared all his gifts for his costars & also our pa last day for the @starcinema staff & crew.#AllYouNeedIsPagibig.

Sabi pa, kailangang ipahinga raw maige ni Kris ang boses dahil may Baguio trip sila kahapon sa Kris TV at ngayong araw ay diretso naman daw sila ng Tarlac at Pampanga naman sa Biyernes.

Nabanggit din sa amin na kailangang mag-promote ni Kris ng All You Need Is Pag-Ibig sa Sabado at Linggo sa It’s Showtime, MOA mall show, StarMall at Fishermall at SM Manila.

( Reggee Bonoan )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …