Ayaw pang banggitin ni Atty. Joji kung anong food chain ang kumuha kay Nico dahil bawal pa, pero sa kapipilit namin ay nalaman naming Mang Inasal pala ito. Kaya pala wala ang aktor sa presscon ng #Walang Forever dahil kalaban ng Kuya J’s Restaurant ang nasabing food chain.
Tanda namin noong nagsisimula pa lang si Nico sa kanyang career ay hindi namin siya gusto kasi nga magulo ang isip, hindi malaman kung mag-aartista o mag-aabogado tulad ng nanay niya.
Bukod doon ay medyo iba pa magsalita si Nico, parang hindi pa niya alam kung paano makiharap sa movie press.
Hindi pa rin marunong umarte noon ang panganay ni Atty. Joji at hindi naman pang leading man si Nico dahil aminin man o hindi ay hindi naman siya heartthrob o hunk kaya nang sabihin namin ito sa mama niya ay sumama ang loob sa amin.
In fairness, idiniretso ni Nico ang pangarap na maging artista kaya kahit anong role ay tinanggap niya kesehodang maging janitor, alalay, goon, bakla at iba pa hanggang sa naging lover boy siya sa On The Wings of Love bilang si Tholyts.
Sabi nga ni Atty. Joji, “sa awa ng Diyos, oo (napansin). Ako kasi Reggs, ang hino-hope ko for Nico, kasi kahit anak ko ‘yan kung hindi ko nakikitaan ng talent, I will not support him. But he really honestly, sincerely (gusto niya).
“Noong una, alam kong mayroon (talent), pero hindi pa siya bumibitaw sa comfort zone niya, eh. It took him time. Hindi niya alam kung ano talaga ang gusto niya.
“Kung gusto niyang mag-pursue ng law career o mag-artista. Rito sa ‘OTWOL’, nagsa-shine siya rito, because gusto niyang magpatawa ng tao.
“Since he was a kid, ginagaya na niyan si Rene Requiestas, he (Nico) likes to make people laugh, ano ‘yan, patawa ng patawa talaga.
“So noong isinama siya for that role (Tholyts), shocks, mukhang ito na ‘yung babagay sa kanya. Initially nga, his role was very short lang, I think they expanded the story, kasi ang ganda ng chemistry nila ni Bianca, ang galing-galing ni Bianca,” kuwento ng mama ng aktor.
Samantala, natanong din si Atty. Joji kung may plano siyang pasukin ang politika. Dahil si Atty. Lorna Kapunan ay kakandidato sa 2016 election.
“Wala, wala talaga. I’ve been ask many times to run, pero wala talaga at nagsasalita na ako ng tapos.
“Mahirap maging politician, kung gusto kong tumulong sa kapwa ko, puwede ko naman gawin as a private citizen, in fact as of today, I have 10 scholars.
“I am sending kids to school, may college—tatlo, may high school— dalawa tapos lima na elementary. Maraming paraan Reggs, kung gusto mong tumulong sa tao,” paliwanag mabuti ni Atty. Joji.
Bakit ayaw niya mag-politika? “Hindi pa ako nasisiraan ng ulo,” sabay tawa ni Atty. Joji.
Ilang beses na raw inalok si Atty. Joji, “sa Quezon City dalawang beses, Senate dalawang beses, so four times na. Joke ko lang naman ‘yung sinabi kong nasisiraan ng ulo. Considering all the difficulties that you have to go through the campaign and then becoming a politician, hindi biro-biro ‘yun, hindi ko kaya ‘yun!
“Magaling naman talaga si Lorna (Atty. Kapunan) at saka may advocacy siyang ipinu-pursue, so okay,” paliwanag ni Atty. Joji.
Sa tanong kung sino ang iboboto niyang Presidente, “Duterte ako, eh, ha, ha, ha. Sa vice I haven’t decided yet. Why Duterte, pagod na kasi ako sa maraming bagay, I want something new.”
Pero bago ang lahat ay watch daw muna ng #Walang Forever at Buy Now, Die Later sa December 25 na produced ng Quantum Films at iba pang partners ni Atty. Joji.
FACT SHEET – Reggee Bonoan