Ipinagtanggol kasi ni Paolo ang kapatid na si Gab laban sa bashers na sumusuporta kay Davao Mayor Rodrigo Duterte nang magbigay ito ng komento kung anong klaseng tao ang kumakandidatong presidente ng Pilipinas.
Sabi ni Paolo, ”well, I was very vocal about it online, hindi rin naman ako nag-agree sa lahat ng sinabi ng brother ko, pero sobra ‘yung response ng tao.
“Noong nakita ko ‘yung response ng tao, I went thru his (Gab) message again and actually, there were two status, ‘yung una, ang daming nagalit talaga, ‘yung pangalawa, hindi alam ng tao na kaya ginawa niya (Gab) ‘yung second message as a response to the backlash.
“And the backlash was very bad, even ‘yung ibang mga supporter ni Duterte parang pinagsasabihan siya (Gab) na sobra naman na kapag pumunta ng Davao, babarilin daw siya (Gab), parang ‘yung isa sabi, ‘sana raw ma-rape ‘yung asawa ni Gab’ para raw ma-appreciate ‘yung sinasabi ni Duterte.
“So, ‘yung mga follower ni Gab like my cousins who were 15 years old, siyempre mababasa nila ‘yung ganoong messages sa IG niya, so I have to say something.
“Even though I didn’t agree in everything he (Gab) said, it’s my family, eh. So kailangan kong i-defend ang pamilya ko, whether he’s right or wrong, kung sobra naman ‘yung response, bastos talaga ‘yung mga tao, kailangan ko talagang ipagtanggol.”
Gusto nga raw ni Paolo si Duterte, ”to be honest, sinabi ko na gusto ko talaga si Duterte, sabi ko nga, kahit hindi ako sang-ayon sa lahat ng sinabi ni Gab, hindi puwedeng tatahimik ako at binabastos na ang pamilya ko.”
PATI MGA MAGULANG IDINAMAY
Hindi rin daw maganda ang sinabi ng bashers sa magulang niya.
“Parang sinasabi pa ng ibang supporters itong nangyari between my tita (Felichi), my dad (Gary) and my mom (Angeli) na ‘yung affair ng dad and mom ko na parang na-discover bigla ‘yung information na ‘yun, eh, they’re been open-up ever since, so parang ano ‘yung sinasabi (supporters) na because of this, itinatago raw namin ‘yun, eh.
“Mali pa ‘yung info nila, sinasabi si Gab daw ‘yung fruit ng sins ng parents ko, eh, ako ‘yun, eh (sabay tawa ni Paolo). Akala nila siguro nila mas matanda si Gab sa akin.”
Sa tanong kung apektado na ang pamilya Valenciano sa pangyayaring ito?
“We don’t talk really about it so much, but I know that they were affected only because maraming bastos na response, even like sina Carlos Celdran, Ramon Baustista ‘pag nakita mo ‘yung mga comment about them, parang sobra naman, it’s too much and you know, I don’t wanna generalized na lahat ng taga-Davao kasi nga ang dami rin namang supporters na hindi taga-Davao and true enough alam mo, pinagmumura kami tapos ‘pag tiningnan mo naman ‘yung account nila, from Manila from Bicol, so we can’t generalized na lahat taga-Davao.
“And I think, that’s one of my mistake na online sinabi ko na some Davaoenos nagalit sila sa akin at pinagmumura rin ako, sabi nila, nag-generalized daw agad ako na because supporters ni Duterte automatically from Davao.
“So right now, I’m very careful with what I’m saying, I’m not generalizing, pero like to the people on line, it doesn’t matter who you’re supporting, whether for Mar, Duterte, Binay, kung mali ka, mali ka, kung bastos ka, bastos ka and they should not be defensive na ganoon.
“Kasi mayroon din namang supporters si Mar na bastos din, mayroon din si Binay na bastos din, so ‘yung sinasabi na pinag-iinitan daw namin si Duterte which (not true). Like I said, I really like him. And I said before.
“One thing din na sobrang na-frustrate ako is Davao is one of my favorite province in the Philippines tapos ganoon ‘yung naging response sa amin so, medyo nakaka-frustrate,” pahayag ni Paolo.
Naikuwento rin ng panganak na anak ni Gary V na bilang rakista ay madalas daw silang magkaroon ng gig sa Davao.
“Ako, marami akong gig sa Davao, siguro mga four or five times na akong nag-perform sa Davao and always a good response, always a good crowd, so medyo nakaka-hurt break din, pero I feel na this time, next year hopefully, okay na kami,” napangiting sabi pa.
APEKTADO ANG PAMILYA SA BANTA SA KANILANG BUHAY
Inamin ng binata na apektado ang pamilya nila sa death threat sa kanila.
“A lot of people were saying na baka empty threats lang siya, mga troll lang ‘yung nangga-ganoon, honestly, noong nag-backlash sa akin ‘yung Davao at supporters ni Duterte kasi maraming taga-Davao talagang nagalit sa akin.
“Talagang nakatatakot siya to walk around in public, kasi hindi mo alam kung sino ‘yung nagtwi-tweet ng ganoon kahit sabihin mong empty threats siya, hindi mo alam baka bigla akong sampalin, suntukin o basagin ‘yung window ng kotse ko or something, ‘yun ‘yung nakatatakot.
“And because he’s (Duterte) many supporters, it’s scary. So when I saw the response, those threats to him (Gab), I’m afraid for that,” pagtatapat ni Paolo.
At dahil nasa Los Angeles, California USA si Gab kaya wala siyang security.
“He doesn’t need that, but I texted his wife na and I said na’ baka for our safety, puwede muna siyang mag-cool down first, this is not the very safe time, we’re not immune for everything what’s going on right now,” pag-amin ulit ni Paolo.
Nabanggit din na wala raw kasing kinatatakutan si Gab kahit noong bata pa ito.
“Si Gab kasi hindi natatakot sa kahit na ano, that’s why he posts so many things, even when he was here, he was never.
“In his personality kasi, hindi siya natatakot, not like me, ako kasi laging natatakot. I don’t think because he’s in LA, so hindi niya na-expect na how big or how serious the situation ang (ginawa) niya.
“His heart is in a good place, so even though marami siyang sinasabi, he’s heart is in a good place and I think people should respect that he has his own opinion.
“Kasi ‘yung response naman ni Gab is based on what Duterte been saying,”kuwento pa ni Paolo.
At sa tanong namin si Paolo kung boboto siya sa 2016.
“Honestly po, hindi ko po alam, I like Duterte, pero the recent interviews at lumabas sa news (nagdadalawang-isip), let’s put it this way na I’m in a confused right now. I’m doing some research to all the candidates, mahirap mukhang challenging itong election (2016) na ito.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan