Tuesday , February 18 2025

Atty. Joji, ka-level na ang Star Cinema at Viva Films sa pagpo-produce

121615 atty joji #walangforever buy now

00 fact sheet reggeeKA-LEVEL na ni Atty. Joji Alonso ang malalaking movie company tulad ng Star Cinema at Viva Films dahil kahit independent producer ay dalawa ang entry niya ngayong 2015 Metro Manila Film Festival, ang #Walang Forever nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado na idinirehe ni Dan Villegas at ang Buy Now, Die Later nina Alex Gonzaga, Markki Stroem, Lotlot de Leon, Janine Gutierrez, TJ Trinidad, John Lapus, at Vhong Navarro  mula sa direksiyon ni Randolf Longjas.

Kaya nang makatsikahan namin si Atty. Joji pagkatapos ng presscon ng #Walang Forever sa Kuya J’s Restaurant sa SM Megamall ay binibiro namin siya na ka-level na nga niya ang mga nabanggit na movie company.

Nagbirong sagot din ni Atty. Joji, “walang magawa, eh, pasensiya na, ha, ha, ha.

“Nag-submit lang naman kami ng script, hindi naman namin ini-expect (approve), kasi either of the two kung alin ‘yung matatanggap, noong in-announce, oh my God, dalawa.

“Nalungkot ako or kinabahan kasi ang pressure to finish two films, natutuwa ako at the same time kasi nabibigyan ng chance ‘yung mga alternative na stories na iniisip namin, ‘yun bang kayang-kayang abutin ng masa pero ibang story telling.

“Wala akong ini-expect naman, like sa ‘English Only Please’, I never expected naman anything, in fact first day, second day and third day namin, waley (zero sa takilya), ha, ha, ha.

“Pero noong nanalo ‘yung pelikula talagang (tumaas) wala na, angat na angat na, so hayun, naka-P165-M kami.”

Mura lang ang cost ng EOP, pero sa #Walang Forever ay umabot sila ng P26-M at sa Buy Now, Die Later ay P23-M.

Diretsong tanong namin kung mas nag-e-enjoy ba si Atty. Joji sa paggawa ng pelikula kaysa loob ng korte?

“Hindi naman, law practice pa rin ang bread and butter ko, ang dami ko ngang kaso ngayon, eh, ha, ha, ha,” masaya sabi ng lady producer.

Sabi namin baka pampatagal ni Atty. Joji ng stress ang pagpo-produce ng pelikula, “hindi, stressful din ito, ha, ha, ha, ha. Stressful din ito, to meet the deadlines kasi ‘pag MMFF, ‘di ba wala ka namang ibang playdate, hindi mo puwedeng ilipat, so stress galore.”

Natanong din namin si Atty. Joji kung pressured ba siya sa kikitain ng #Walang Forever dahil nga ang English Only Please nina Jennylyn at Derek Ramsay noong 2014 ay malaki ang kinita? At kung ano ang mas malaki ang production cost—EOP o ang WF?

“Mas malaki ito (‘Walang Forever’), kasi nag-Taiwan shoot kami dahil doon based si Echo (OFW) at inabot kami ng two days lang naman pero the expenses, ‘di ba, bringing people there, hiring people there, mas mahal,” kuwento ng lady producer.

Samantala, si JM de Guzman ang original na leading man ni Jennylyn sa #Walang Forever at nakapag-shoot na raw ng isang buong araw kaya nalungkot si Atty. Joji sa nangyari sa aktor.

“Siyempre malungkot, kaya lang I don’t want to discuss any further kasi he has his own concerned to deal with, so ‘yun. I still hope for the best for JM,” nalungkot na sabi ng producer.

If ever ba ay gusto pa ring makatrabaho ni Atty. Joji si JM?

“Oo naman, it depends lang, ha, ha, ha, kung hindi na siya busy,” sabay tawa sa amin.

Saan naman busy si JM, eh, wala nga siyang projects ngayon both TV and movies, “ewan ko, marami siyang ginagawa, eh.”

Sa tanong kung anong dream project ni Atty. Joji para sa susunod niyang ipo-produce na pelikula?

“Gusto kong i-cast sina Jennylyn at Piolo (Pascual),” kaswal na banggit sa amin.

Supposedly, si Piolo rin ang naisip ni Atty. Joji para sa #Walang Forever, pero nang malaman na may soap na ginagawa ang aktor ay, “when I learned that he has a soap, impossible ‘yun kaya hindi ko na itinuloy.”

Kaya sabi namin na ngayon palang ay ipa-block na ni Atty. Joji ang schedule ni Piolo para sa 2016 MMFF, “eh, kailangan magkaroon muna ng script bago niya i-consider iyon,” say ng producer.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

021525 Hataw Frontpage

‘Socialite’ sinupalpal ng gag order ng Makati Court

HATAW News Team INISYUHAN ng Makati Regional Trial Court Branch 144 ng gag order si …

Luis Manzano Barako Fest Batangas Vilma Santos

Luis nawala 4 na endorsement sa pagtakbong vice governor sa Batangas; Paglulunsad ng Barako Fest 2025 matagumpay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ni Luis Manzano na marami sa kanyang endorsement nawala o hindi …

Zanjoe Marudo Ria Atayde Baby Sabino Sylvia Sanchez

Sylvia muling nag-request ng apo kina Ria at Zanjoe; Sabino kukunin ‘pag naglalakad na

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI ikinaila ni Sylvia Sanchez na gusto pa muli niya ng apo. …

Jeffrey Hung Artist Lounge Multi Media Nikki Hung Kyle Sarmiento

Jeffrey Hung bagong partner ng Artist Lounge Multi Media, Inc.

MATABILni John Fontanilla STAR studded ang dinner party para sa pagpapakilala ng bagong partner ng Artist …

Drew Arellano Iya Villania Anya Love

Iya isinilang ikalimang anak nila ni Drew

MATABILni John Fontanilla IBINALITA ni Drew Arellano na nanganak na ang kanyang pinakamamahal na asawa, si Iya Villania-Arellano sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *