DAHIL minsan lang naman sa isang taon ang Pasko, pakunsuwelo na lang ‘ika nga para sa entertainment press na maambunan ng ekstrang biyaya mula sa mga pa-raffle ng mga pangunahing artistang kabilang sa mga opisyal na kalahok ngMetro Manila Film Festival.
Kadalasan din naman kasi, hindi lahat ng mga inimbitahang press sa presscon ng bawat MMFF entry ay umuuwing may ngiti sa kanilang mga labi sa suntok-sa-buwan na raffle na ‘yon. Kapag minamalas-malas pa, may pagkakataon pa na “pre-drawn” na ang mga nabubunot mula sa mga nakabilot na papel containing the names of the reporter-attendees.
Sa kasagsagan ng kaliwa’t kanan at sunod-sunod na presscon ng MMFF entries over the week, iilan lang sa mga ito ang nagpa-raffle (maliban sa parties and those thrown by political candidates).
Pero ang tila mas napansin ng press ay, ”’Yung movie nina Vic Sotto, Ai Ai at AlDub, wala raw pa-raffle?”
May kasama kasing awe o pagtataka why the event was lackluster if only for the absence of raffle, lalo’t ang bumubuo ng cast ng pelikula ng dalawang pares are today’s top TV commercial endorsers most specially the AlDub tandem.
Ang pagpapa-raffle—ayon sa kapaniwalaan—ay isang pasuwerte. And in the case of their movie, the once-in-a-lifetime gesture would have attracted sana positive vibes lalo na sa kikitain nito sa takilya na babalik din naman sa kanilang apat na tenfold.
Sabi nga ng isa naming Chinese friend who believes in getting luck by spreading luck, ”Huwag kang kain ng kain…tumae ka rin!”
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III