Reklamo sa BoC
Jimmy Salgado
December 15, 2015
Opinion
ITO ang mga natatanggap ko na reklamo na kailangan malaman ng taong bayan. Kahit kaibigan ko sila pero sa tawag ng tungkulin ay isusulat ko ito.
Ang sabi ng source ko “Sir Jimmy sino ba talaga ang customs chief kasi lahat na lang gusto maging hari at ang sabi pa 6 months na lang daw sila kaya kailangan makapag-ipon sila.”
Totoo ba itong natanggap kong report?
Sabagay ‘di ako naniniwala dito dahil mukhang matino naman ang mga nakaupo nga-yon sa BOC Kaya lang bakit bagsak pa rin ang collection?
Ang taas na ng binabayaran ng mga importer pero ang laki pa rin ng tara sa kanila. May 5k at 10k per container.
Marami pa rin ang buwaya sa BOC dahil pinapahirapan nila mga negosyante kaya bagsak ang collection.
Kaya natatakot silang magparating ng shipment.
***
Ilan sa mga dapat paimbestigahan ni Comm. Bert Lina si alias ZAMENDO aka MR. 5k/10K per container.
Tanong ng maraming nagrereklamo kay Depcomm. IG Gen. Jesse Dellosa, saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha si Zamendo?
No take policy daw pero overtake na overtake na!
***
Si BOC Depcomm. Lachica ay mabait pero pinapalibutan rin siya ng ilang baldog ring hustler na abogada at abogado.
Hinaing ng mga nagrereklamong broker, ang gulo ng BOC ngayon. Ang daming bida, nakikialam at ang daming gustong maging commissioner.
Bakit hindi n’yo busisiin ang parating ni Aguada or Aguado na puro transhipment at walang binabayarang tax?
Sa Subic naman daw namamayagpag sina Gery Yu at Tina Yu. Bakit ang lakas pa rin nila?
Balita natin magsasagawa na ng protesta ang mga broker pero ang payo ko sa kanila ay maki-pag-dialogue na lang kay si Comm. Bert Lina.
Ibitin rin ang mga matatakaw diyan sa RCMG at AMO!
Hindi na malaman ng mga importer kung kanino sila magsusumbong sa sobrang pahirap ng RCMG lalong- lalo na ng isang alias Zamendo 5k per lata plus amyenda 50k.
***
Ang alam ko lang na may pagmamahal sa bayan ay si Customs Depcomm. Ariel Nepomuceno na kahit kaibigan niya o malapit sa kanya, pag alam n’yang ikasisira ng institution ay sisibakin niya. Ganyan si Sir Nepo, ‘di siya garapal kasi sya’y galing sa magandang pamilya.
Saan ka makakakita ng kagaya ni Depcomm. Ariel na hindi nanghihingi ng tara dahil iniingatan n’ya ang pangalan na Nepomuceno.
‘Yan ang tularan n’yo sa BOC!
***
Sa BOC-NAIA ay wala kang maririnig na reklamo dahil maganda ang pamumuno ni Collector Ed Macabeo.
Ganoon din si Collector Elmir dela Cruz ng MICP.
Sa Customs NAIA ay tunay na no take policy. Kahit madalas na iniintriga na sila ay patuloy lang sila sa kanilang magandang trabaho.