MARIING itinanggi ni Tom Rodriguez ang lumabas na balita na mayroon na raw itong naging asawa sa Amerika. At dahil kasal na raw ito kaya hindi niya maamin ang relasyon nila ni Carla Abellana.
“Kung ikakasal ako, hindi ko po iyon itatago. Ipagmamalaki ko pa nga kasi mapapangasawa ko ang babaeng pinakamamahal ko,” sabi ni Tom.
Pakiusap pa ng aktor, ”Wala po akong kasalanan kahit na kanino. Lalo na po kay Carla (Abellana), kaya sana po respeto naman lang po sa akin, huwag pong mambintang. Salamat po.”
MA at PA – Rommel Placente