Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, ‘di na kinuwestiyon nang palitan ni Echo si JM

121015 jennylyn jericho JM

00 fact sheet reggeeKULANG na lang malaglag ang brief o boxer shorts ni Jericho Rosales nang marinig niyang ang mga papuri ng leading lady niyang si Jennylyn Mercado sa pelikulang Walang Forever na idinirehe ni Dan Villegasproduced ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Productions, at Buchi Boy Films.

Sabi kasi ni Jen, si Echo ang pinaka sa lahat ng naging leading man niya,”siya ‘yung pinakamabait, ang galing, kasi makikita mo sa mga staff kung paano niya tinatrato, mula sa maliit hanggang sa malaki at maalaga siya sa lahat.”

Sabi pa ng aktres nang malaman niyang si Echo ang magiging leading man niya ay aprub kaagad at wala nang kuwestiyon- kung bagay ba sila or kung may chemistry ba?

“Kasi kumbaga, kayo ang gagawa ng ikababagay n’yo sa isa’t isa. Kumbaga, mag-i-start ‘yun, katulad ‘yung sa amin ni Derek, parang hindi naman, parang ‘yung mga tao (sinasabi), hindi sila bagay.

“Pero nang sinimulan na namin, parang puwede. Kasi kayo naman ang bubuo niyon eh. Magkasundo kayo, maganda ‘yung foundation ng friendship, maganda ‘yung lalabas,” kuwento ng aktres.

Same group ang team ng Walang Forever at English Only Please kaya aminado ang production team na pressured sila na kumita nang husto ang una.

Pero si Jennylyn, ”siyempre, nagwi-wish kami na sana. Pero kung hindi okay na rin. Walang pressure, ayokong i-pressure ang sarili ko. Stress ‘yan, eh. Ayoko munang mag-entertain ng kahit anong pressure. Basta ano lang kami, kung ano lang ang dumating, sige tatanggapin namin.”

Pero kabado ang aktres sa mga katapat nilang ka-loveteam tulad ngJaDine at KimXi.

“Siyempre, ang lalakas nila. Kung hindi man namin matapatan or masabayan, basta ang importante nagawa namin ng maayos,”  katwiran ng aktres.

Bagamat iisa ang direktor ng  Walang Forever  at  EOP na si Villegas, tiniyak ni Jen na iba naman ang maio-offer nila this time.

“Inalalayan niya ‘yun ng mabuti. Na dapat ibang-iba ito talaga,” sabi ng aktres.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …