Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Parents ni Alex, boto sa Chinese law student na manliligaw

120915 alex gonzaga

00 fact sheet reggeeHINDI makakasama ni Alex Gonzaga sa Bagong Taon ang lalaking nagpapasaya sa kanya at dahilan ng pamumulaklak ng buhay niya na si Carlo Chungunco, law student sa Ateneo de Manila University at galing sa buwena familia.

Isasama kasi si Alex ng mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga-Soriano sa New York City at San Francisco, USA na roon magha-honeymoon ang dalawa.

Simula kasi nang ikasal sina direk Paul at Toni ay hindi pa nakalabas ng bansa dahil pareho silang busy at dahil siguro mami-miss pa rin ng huli ang kapatid na si Alex kaya isasama nila.

Sabi ni Alex ay ang kuya Paul pa raw niya ang nagpa-reserve ng sarili niyang kuwarto sa hotel na tutuluyan nila sa mga nasabing bansa.

Hmm, hindi kaya malungkot si Alex dahil mag-isa lang siya sa kuwarto at imposibleng makikuwarto siya sa mag-asawa?

Hirit ni Alex, ”siguro, double deck kami.”

Medyo naughty na ang usapan ng entertainment press kay Alex kung hindi ba siya maiinggit kapag nakarinig siya ng ingay sa kabilang kuwarto.

“Hello? Tingin n’yo naman, hindi ako nagpa­lagay ng CCTV? Chos!” tumatawang sagot ng dalaga.

May ka-holding hands naman na ang aktres kaya hindi na siya maiinggit pa.

Biro ng ibang katoto kay Alex, ‘wala namang sex life?’

Mabilis na sabi ng dalaga, ”mabubuhay ka naman na walang ano (sex) Magtu-27 na ako, nabuhay ako na wa­lang ganoon. Mamamatay ako na puwede ako na walang ganoon.”

At ‘pag kasal na siya at saka lang daw siya babawi, ”oo, todo.”

Sa tanong kung kailan niya ipapipitas ang ‘bulaklak’ niya, ”mamaya, mamaya (pagkatapos ng presscon) ha, ha, ha,” tumatawang sabi ulit.

Aware raw si Alex na natutuyo ang bulaklak, ”oo naman. Kaya kailangan, dinidiligan.”

Anyway, mukhang botong-boto ang magulang ni Alex sa bago niyang ka-exclusively dating dahil pinapayagan siyang lumabas kasama ang guy hanggang 12 midnight.

“Hindi lang daw sila boboto kapag lumampas kami sa curfew,” sabi ng dalaga.

Nakilala raw ni Alex si Carlo sa mga kaibigan ng kaibigan niya, ”kaya hindi ko kilala ‘yung common friends ng friends nila,” say ng dalaga.

At pakiwari namin ay magdyowa na sina Alex at Carlo dahil litrato nila ang nakalagay sa Facebook account ng guy.

Purong Chinese si Carlo at tapos ng BS Psychology at kasalukuyang kumukuha ngayon ng law sa Ateneo de Manila University, mahilig sa sasakyan at nakatira sa exclusive subdivision sa Makati City.

Mahilig talaga si Alex sa chinito.

Samantala, nagbiro si Vhong na kapag hindi raw kumita ang entry ng Quantum Films, MJM Productions, Inc., Tiko Film Production, at Buchi Boy Films naBuy Now, Die Later ay kasalanan ni Alex.

Makakasama nina Vhong at Alex sina Sweet John Lapus, Rayver Cruz, Markki Stroem, Janine Gutierrez, TJ Trinidad, at Lotlot de Leon mula sa direksiyon niRandolf Longjas.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …