Sunday , December 22 2024

Mison hiniling patawan ng preventive suspension (Sa pagpapalaya sa puganteng Intsik)

misonHINILING ng isang Intelligence officer ng Bureau of Immigration sa Ombudsman na patawan ng preventive  suspension si Commissioner Siegfred Mison sa  misteryosong ‘paglaya’ at pagkawala ng isang Chinese fugitive na nakatakda sanang ipinatapon pabaliks a kanilang bansa.

Hiniling ito ni Immigration Intelligence officer Ricardo Cabochan matapos magsumite ng karagdagang ebidensiya sa Office of the Ombudsman.

Isinumite ni Cabochan ang mismong logbook ng BI Bicutan Detention Facility na nagpapatunay sa unauthorized release ng Chinese fugitive na si Fu Gaofeng nang walang kaukulang resolusyon mula sa Board of Commissioners ng Bureau.

Matatandaang inaresto si Fu para sa agarang deportasyon sa bisa ng warrant for deportation na nilagdaan mismo ng Immigration commissioner ngunit hindi naipatupad ang kautusan dahil misteryosong ‘pinalaya’ at biglang naglaho ang pugante.

“Naaresto na at na-idetine na si Fu pero hindi ipinatupad ang deportasyon at sa halip ay pinakawalan sa utos ni Mison,” saad sa supplemental affidavit ni Cabochon.

Upang mapagtibay ang reklamo ng complainant, inihayag niyang nakatanggap siya ng dokumento nitong Nobyembre 23 (2015) na bahagi ng opisyal na logbook mula sa BI Detention Facility sa Bicutan na nagpapatunay na ‘pinalaya’ si Fu sa kautusan ni Mison.

Nakasaad sa official logbook ng BI detention cell na: “As per instruction of Commissioner Siegfred B. Mison through Atty. Cris Villalobos subject will be released to Atty. Peter Coo, his counsel on record. Subject Atty. Peter Coo where advised to report to legal division tomorrow morning.”

Napag-alaman din na inatasan na ng Legal Affairs Office ng Office of the President si Mison na magsumite ng kaukulang komento o sagot sa reklamo laban sa kanya ngunit hanggang ngayon ay wala pang natatanggap na written comment si Cabochon kaugnay ng inilabas na direktiba mula sa Malacañang.

About Tracy Cabrera

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *