Babala kay Comelec Chair Andy Bautista
Hataw News Team
December 9, 2015
Opinion
KUNG inaakala ng mga may pakana ng disqualification case laban kina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na walang mabigat na implikasyon sa pamahalaan ang kanilang ginagawa ay nagkakamali sila.
Dapat timbangin nang mabuti ng grupong nagnanais na maalis sa presidential race sina Poe at Duterte kung anong kapahamakan ang kanilang tinutungo sa sandaling magtagumpay sila na maialis ang dalawang kandidato sa pagkapangulo. Kung magtatagumpay ang grupong ito na mailuklok si Mar Roxas, hindi kaya ka-sing kahulugan naman ito ng sunod-su-nod na gulo na mangyayari sa mga lansangan kung tuluyang mapapatalsik nila sina Poe at Duterte sa pamamagitan ng mga kasong inihain nila sa Comelec?
Sina Poe at Duterte ang kasalukuyang pinakapopular na kandidato sa pagkapa-ngulo samantala, kulelat si Roxas. At kung mananalo si Roxas, tiyak na magkakagulo dahil hindi ito matatanggap ng milyon-mil-yong supporters ng dalawang kandidato sa pagkapangulo.
At gaano rin katotoo ang usap-usapan na malamang makialam ang ilang grupo sa loob ng PNP at AFP sakaling tuluyang iluklok si Roxas bilang presidente at biguin ang kandidatura nina Poe at Duterte sa Comelec?
Lalabas na hindi tunay na kagustuhahn o boses ng taong bayan kung ipipilit nilang manalo si Roxas sa darating na halalan, at malamang ito ang maging mitsa ng gulo sa Filipinas.
Kailangan sigurong mag-isip-isip nang malalim si Comelec Chairman Andres Bautista at ang kanyang commissioners sa mga susunod nilang gagawin lalo sa usapin ng DQ cases na kinakaharap nina Poe at Duterte.