Inamin ni Vhong na apektado ang It’s Showtime sa AlDub ng Eat Bulaga, ”oo naman. Hindi naman natin ikakaila ‘yun. Sabi ko nga, kumbaga, that time, ang ‘Eat Bulaga’ parang gumanoon (tumaas) sila, kami rin nararamdaman din namin ngayon ‘yun.
“So far, may nagsabi rin kanina na unti-unti na kaming bumabalik, marami pong salamat. Dahil bumabalik sila ulit para panoorin kami.”
Sa tanong kung ano ang reaksiyon nilang mga taga-It’s Showtime sa pagbaba ng ratings game nila.
“Natatawa ako kasi para kaming hindi naapektuhan.
“Dapat kasi, sabi nga namin, panghawakan natin ‘yung sinabi natin sa mga tao na paliligayahin natin sila kahit anong mangyari.
“Kaya sabi nga namin, kahit isang tao lang nanonood sa atin, hindi tayo bibitaw.
“Kasi may nanonood pa rin sa atin, na mayroon pa ring nagbabayad ng koryente.
“Na nagbibigay ng oras para panoorin tayo, bakit naman tayo hindi kikilos?
“Mayroon pa ring isang nanonood, ibigay natin, magpasaya pa rin tayo kasi solid kami, eh. Sabi ko nga, ‘yung nakikita niyo sa kamera na para kaming naglalaro, totoo ‘yun.
“Naglalaro talaga kami kasi ini-enjoy lang namin ‘yung trabaho namin. Kasi alam naman natin na minsan, ang trabaho, sakit ng ulo ‘yan, eh. Nakatatanda ‘yan.
“Kaya kapag nagtatrabaho kami, ano lang tayo, magpasaya lang tayo.
“Bakit naman natin poproblemahin ang magpasaya, eh, gusto natin ‘to?
“Kumbaga, off-cam, ‘yun din kami.
“Kaya para sa amin, ang pagkakaiba lang off-cam, on-cam, may nakabukas na kamera, may nanonood. Off-cam, kami-kami lang.
“Depende kasi sa mga manonood eh. Hindi naman po namin kontrolado sila, eh.
“Ang sabi po namin, kung ano po ang maibigay namin sa kanila, mapapasaya sila o mapapaligaya sila, ibibigay po namin lahat.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan