Wednesday , December 11 2024

Bulldog nag-skateboard sa Record Books

120715 Bulldog Skateboard
MATAGUMPAY na nakapag-skateboard ang isang 4-anyos na bulldog sa mga paa ng 30 katao para magtala ng bagong Guinness World Record.

Makikita sa video footage na kinuha sa kabisera ng Peru (Lima), bilang bahagi ng Guinness World Records Day, ang asong si Otto na lumulundag para sakyan ang gumagalaw na skateboard para bumilis ang takbo, bago nagpalusot-lusot sa mga paa ng 30 katao para basagin ang bagong record.

Ipinakita rin niya ang kanyang husay sa pagsakay sa skateboard sa pagtimbang ng kanyang katawan para magawang makatakbo sakay ng board sa makurbadang obstacle course, para makaiwas na mabangga sa paa ng sinoman.

Sa ipinakitang husay ni Otto, nagkomento ang beteranong skateboarder na si Valentine Katz sa Sky News: “Magaling iyong aso dahil sa ginagawa niyang pagpihit … impresibo ito para sa isang aso!”

Dagdag ni Katz, 22, may-ari ng Baddest skateboarding shop ng Brixton sa south London: “Gamit ni Otto ang kanyang paa para papihitin ang skateboard. Bukod dito, mukhang masaya siya sa kanyang ginagawa.”

Ilang record attempt ang isinagawa para sa pagdiriwang ng ika-11 taon ng Guinness World Records Day.

Sa Surrey, tinangka ng stunt driver na si Alastair Moffatt na basagin ang record para sa tightest parallel park in reverse sa pagpapangit ng kanyang Mini Cooper na nag-iwan lamang ng espasyong 34 sentimetro sa pagitan ng dalawang sasakyan.

Sa United Kingdom din, tinangka din na magtala ng record ang isang grupo ng mga indibiduwal para sa pinakamalaking pagsasama-sama ng mga taong nakasuot bilang mga penguin.

Sa India, nagtangkang basagin ang record sa pinakamaraming nakasinding kandila sa loob ng bibig ng isang tao.

Sa China, tinangkang lumikha ng pinakamalaking lipstick sculpture sa mundo at pinakamalaking chocolate coin sa Belgium.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …

Gusi Peace Prize

Gusi Peace Prize 2024: Honoring Global Changemakers Across Diverse Fields

THE Gusi Peace Prize, often regarded as the “Asian Nobel Peace Prize,” celebrated its 37th …

QC Wellness Center opened to support educators well-being

QC Wellness Center opened to support educators’ well-being

The SM Foundation, in partnership with the Quezon City Schools Division Office, inaugurated the Schools …

SM BDO Feat

Alagang Kabayan: How BDO and SM transform the lives of Overseas Filipino families through the years

For millions of Overseas Filipinos (OFs), the holidays often mean sacrificing precious moments with loved …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *