Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

31-anyos ship oiler nagbigti sa fire exit

PATAY ang isang 31-anyos ship oiler nang magbigti sa fire exit ng isang gusali sa Malate, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si John Robert Gregg Elejan, walang asawa, tubong Guimaras, Iloilo City at walang permanenteng tirahan.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District Homicide Section, dakong 3:10 p.m. nang matagpuan ang biktima habang nakabigti sa fire exit sa ground floor ng Status Maritime  Corp. sa 1802 San Marcelino Street, Malate.

Inihayag ng isang Rex Barcebal, nang dumaan siya sa fire exit ay nagulantang nang makitang nakabigti ang biktima kaya agad niyang ipinagbigay-alam sa security guard.

Isinugod ang biktima sa Philippine General Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matiyak kung may naganap na foul play sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …