Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, lalong dumami ang trabaho (Kahit apat na taong nawala sa showbiz)

113015 Sunshine Dizon

00 fact sheet reggeeBUWENA-MANONG nagpa-Christmas party ang PPL Entertainment Inc., na pinangungunahan mismo ng President at Chief Executive Officer nitong si Perry P. Lansigan sa entertainment press noong Martes sa Bella Ibarra, Quezon Avenue, Quezon City.

Bagong pasok sa PPL Entertainment si Sunshine Dizon at nagpapasalamat siya dahil mainit siyang tinanggap ng mga kapatid niya sa nasabing talent agency.

Medyo na-late ng kaunti si Sunshine dahil nanggaling pa siya sa Walk of Fame na ginanap sa Eastwood, Libis Quezon City.

“Sobrang nakaka-proud at sobrang happy po, thank you kay tatay (German Moreno) kasi nararamdaman ko hanggang ngayon ‘yung suporta sa aming mga anak niya (‘That’s Entertainment’) and you know, it’s so nice to know that alam ni tatay ‘yung hardwork na ginagawa namin at na-recognize niya ‘yun,” sabi ng aktres.

Apat na taong nawala sa showbiz si Sunshine dahil nag-asawa at nagka-anak ng dalawa at dalawang taon na siyang nakabalik at sunod-sunod daw ang projects niya sa GMA 7 na labis niyang ikinatutuwa dahil kahit na maraming bagong mukha na ngayon ay hindi naman siya nabakante.

“Magtu-two years pa lang po akong nakababalik at ‘yung first year ko, I did ‘Mundo Mo Ay Akin’, ‘Villa Quintana’. In my second year, I did ‘Strawberry Lane’ and ‘Parikoy’ and now, I’m doing ‘Little Nanay’.

“Tapos nakapag-indie film din po ako, I did ‘Kamkam’ (kasama sina Jackie Rice, Allen Dizon at Jean Garcia) and then ‘Hustisya’ (Nora Aunor, Rosanna Roces, for Cinemalaya 2015) and then very recent is ‘Sekyu’ (Allen Dizon). I don’t know when it gonna be shown dito sa Philippines. Ilalaban siya abroad po,” kuwento ni Sunshine.

Mahabang panahong walang talent manager si Sunshine, ” that’s why I decided to sign up with Perry.”

Samantala, ire-remake ng GMA 7 ang Encantadia at isa sa original cast ng nasabing fantaserye si Sunshine sa papel na si Pirena at panganay na anak ni Dawn Zulueta bilang si Ynang Pirena Minea.

Tinanong namin kung inalok na ba siya para sa remake na ipalalabas sa 2016.

“As of now wala pa pong nasasabi but you know, if ever na kasama ako, siyempre I’ll be honored. Sana po, let’s keep our fingers cross.

“At kung hindi naman (makasama) at talagang bagong cast (lahat), I hope that ‘yung fans namin from the original ‘Encantadia’ will still support the new one,” nakangiting sabi ni Sunshine.

Ipinakita ng aktres ang mga litrato ng mga anak niya na parehong cute at base sa nakikita ni Sunshine ay tila walang hilig mag-artista.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …