Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Popularidad ng Kathniel, ‘di bumaba (Sa pag-endoso kina Roxas at Robredo)

120415 KathNiel mar roxas korina
NAKATUTUWA ang mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez-Roxasdahil inuna nilang magpa-Christmas and Thanksgiving party sa entertainment press na ginanap sa  Novotel Hotel, Cubao noong Miyerkples ng gabi na may titulong  Paskong Matuwid.

Sabi ni Mar, nagpapasalamat siya sa asawang si Korina (kasama angRated K staff at publicist nitong si Chuck Gomez) dahil dalawang buwan daw itong inasikaso at ini-schedule para personal na mapasalamatan nila ang showbiz press na tumutulong sa kanila.

Naikuwento rin ng dating DILG secretary ang ilang insidente kung paano niya nakilala ang ibang entertainment press noong wala pa siya sa mundo ng politika at special mention nga niya si Manila Standard entertainment editor, Isah V. Red.

Pinasalamatan din nito ang showbiz press sa extended tulong naman sa kanyang esposang si Korina. Napaka-simple ng party at maging ang mga ipinarapol ay hindi rin ganoon kalalaking premyo bagay na inaasahan ng iba na para sa amin ay tama lang din dahil mas maraming taong mas nangangailangan ng tulong.

Hindi pinag-usapan ang tungkol sa politika pero nabanggit naman ni Korina ang tungkol sa mga kaliwa’t kanang batikos kina Daniel Padilla atKathryn Bernardo na tumanggap daw ng malaking halaga para iendoso si Mar.

Base raw sa survey ay 80% pa rin ang naniniwala sa KathNiel at 20% lang ang apektado.

Ini-launch din ang music video na komposisyon ng mga alaga ni Arnold L. Vegafria na sina Billy Crawford, Kris Lawrence, at Jay-R na ipinakita na rin kung sino-sinong kilalang celebrities ang susuporta kina Kuyang Mar at Camarines Sur Representative  Leni Robredo na pinangunahan nga ng KathNiel,  Karylle, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Ramon Bautista, stand-up comedian  Lassy,  James Yap at iba pang hindi namin matandaan na.

At bago ang pinaka-main event na Rockkaoke sing-off contest ay una munang nagparinig ng kanilang awitin sina Laguna Vice Governor Dan Fernandez, 6th District of Quezon City Representative Alfred Vargas, at si Presidentiable Mar sa awiting To Love Somebody ni Michael Bolton at inialay nila ito kina Regal Matriarch, Lily Monteverde at Ms Korina.

Kumanta rin si Ms Korina ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko at nagulat kami dahil maganda pala ang timbre ng boses ng Rated K host. Hinihiritan pa ng isa pang awitin si ate Koring pero umayaw na siya dahil gusto na nilang mapanood ang mga katotong sumali sa pakontes na sina Ronnie Carrasco, Leo Bukas, Dominic Rea, Francis Simeon, Ambet Nabus, Manay letty Celi, Karen Pagsolingan, at Mario Dumaual.

Ang saya-saya ng naging botohan kung sino ang mananalo sa pamamagitan ng palakpak at tabla sina Manay Letty at Mario sa grand winner pero nagparaya na ang huli kay Manay na iuwi ang premyo.

Walang umuwing luhaan sa mga hindi nagwagi sa Rockkaoke dahil lahat ay may consolation prize.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …