Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binay at Mar ang tirador

EDITORIAL logoLUMABAS din ang katotohahan nang tukuyin mismo ni Sen. Grace Poe na sina Mar Roxas at Vice President Jojo Binay ang may pakana ng mga ‘paggiba’ sa kanya, partikular ang disqualification ca-ses na inihain laban sa kanya sa Commission on Elections (Comelec).

Bagamat mabilis na itinanggi ng kampo nina Roxas at Binay ang akusasyon, halos ang lahat ay naniniwala na may kinalaman ang Liberal Party (LP) ni Roxas at  United Nationalist Alliance (UNA) ni Binay sa mga ‘paggibang’ ito laban sa senador.

Nangunguna si Poe sa lahat ng survey ng Pulse Asia at Social Weather Station, habang sina Roxas at Binay ay naglalaban para sa ikalawa at ikatlong pwesto.

Si Atty. Estrella Elamparo na nagsampa ng kasong disqualification case na una nang denisisyonan ng Comelec second division, ay senior partner  ng Divina and Uy Law Office. Itinatag ang nasabing law firm ni Dean Nilo Divina ng UST Faculty of Civil Law.

Sinasabi na si Divina ay supporter ng LP at  malapit na kaibigan ni Comelec Chairman Andres Bautista.  Si dating Isabela congressman at Vice Governor Edwin Uy, ay co-founder ng nasabing law office, ay miyembro ng LP.

Hindi rin maaaring itanggi ni Binay na wala siyang kinalaman dito dahil sa simula pa lang, ang tagapagsalita niya ang harapang umupak kay Poe na hindi nga raw natural born Filipino at kuwestiyonable rin ang residency.

Hindi patas kung lumaban ang LP at UNA, at dito makikita kung anong uring presidential candidates meron sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …