Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Natatanging NBI officials

00 parehas jimmyCONGRATULATIONS pala sa mapagkumbabang official ng NBI  na si Emelyn Aoanan chief ng Information Communication Technology Division na nakatanggap ng best division sa ginanap na 79th NBI anniversary kamakailan.

Isa lang ang ibig sabihin nito maganda ang kanyang accomplishment record sa kanyang opisina.

Mabait at mapagkumbaba at walang kayabang-yabang, laging smiling face pa si Ms. Aoanan sa publiko.

Papurihan  din natin si Josephine Bernardo sa office of the NBI director. Masipag din si Ma’m Josephine dahil sa lahat ng pumapasok sa office ni director ay very accommodating at very courteous siya.

Kaya ako sumasaludo sa kanila na may pusong makatao at makabayan sa pagseserbisyo sa bayan.

Kay kabsat Ate Josie at Mam Aoanan, ang masasabi ko lang ay ipagpatuloy n’yo pa ang magandang pagseserbisyo sa bayan.

Mabuhay kayo!

***

Binabati ko rin ang bagong NBI Calarbazon director na si Atty. Jun de Guzman.

Iba talaga ‘pag mahusay at masipag na opisyal gaya ni Atty. Jun kaya naman laging pinagkakatiwalaan na mabigyan ng assignment.

The best siya sa trabaho at magaling siya makisama pati humawak ng mga tao niya sa NBI.

Again congratulations Atty. Jun de Guzman. I’m happy for you. God bless us all!

***

Sino naman ang alias DARREN na hao-shiao na nagpapanggap na CIIS. Nangongolekta gamit ang pangalan ng mga CIIS offcial.

At ngayon, may bagong kotse na. Inaalagaan ng amo at binihisan pero noong nagkasakit ang amo ay iniwanan at nilait pa ang boss niya. Sinuwag at trinaidor pa, sabi ng isang CIIS agent sa atin.

Ang amo raw nitong si alias Darren ay isang Catro na walang ginawa kundi mag-tong-its. Naghihintay lang daw ng parating? Sarap buhay kahit retire na?

Sino naman ang CIIS na may sariling brokerage?

May negosyo na foot long na sausage at kasosyo sa Chickboy na restaurant? Kasosyo pa raw ang isang bigtime player. Dati resin daw ang parating, noong mainit ang resin lumipat sa wine importation naman, ‘di kopo lahat. May napakaraming franchise pa ng 7-Eleven.

Tatalakayin natin sa susunod na isyu ang 17 hectares farm niya sa Bulacan.

Ito pa ang sabi ng source, ang dami daw ari-arian at napakaraming luxury cars at nakatira sa pinakamalaking bahay sa  Don Antonio.

Paging Ombudsman at DOF-RIPS!

***

Sino itong isang alias Ugene Tan  na binansagang gulong king. Dapat na i-audit ang mga pinagbayaran sa kanyang kargamento. Bantayan!

Si alias Chie-men Wong ay tuloy pa rin ang maniobra at kontrolado umano ang auction sa MICP?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …