Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA Films, hinay-hinay muna sa paggawa ng movie (Dahil hindi kumikita)

112815 My bebe love

00 fact sheet reggeeMAY nakatsikahan kaming taga-GMA 7 at nabanggit na hindi na muna magpu-full blast sa pagpo-produce ang GMA Films dahil hindi naman lahat ng pelikula ay kumikita.

Sabi sa amin, “mahirap mag-produce ngayon ng pelikula, hindi lahat kumikita. Ang daming lugi ngayon,” ito ang katwiran sa amin ng GMA 7 executive na nakatsikahan namin kamakailan nang tanungin namin kung hindi na magpo-produce ng pelikula ang GMA Films.

“Kaya concentrate muna kami sa programming ng TV ngayon, acquisition and other externally produced.”

Puro raw sila co-prod muna ngayon, sabi mismo ng executive na kausap namin, “puro lang co-prod like itong ‘My Bebe Love #Kilig Pa More’, kasama namin ang OctoArts Films, MZet, APT (Entertaimment).”

Oo nga naman, mas madaling bumakas at wait na lang sa return of investment kapag kumita na ang pelikula at itong My Bebe Love #Kilig Pa More ay sure hit na, ‘di ba Ateng Maricris.

Napag-usapan din ang Encantadia na mapapanood na sa 2016, “nagpapa-audition pa, dapat matapatan ‘yung mga naunang gumanap, alam mo na, tiyak may comparison,” pahayag sa amin.

Sabagay, panalo parati sa ratings game noon ang GMA 7 nang ipalabas ang Encantadia ng 2005 at tumagal ng pitong buwan.

Ang tanong, kaya bang mapantayan o mahigitan kaya in terms of ratings at ng mga bagong gaganap sa remake ng Encantadia sina Karylle (Alena), Diana Zubiri (Danaya), Iza Calzado (Amihan), Sunshine Dizon (Pirena), at Yasmin Kurdi (Mira)? Kasama rin sina Jennylyn Mercado bilang Queen (Lira/Milagros) ng Lireo at si Dawn Zulueta, reyna ng mga Diwata bilang si Ynang Reyna Minea.

Mabilis na sabi sa amin, “kaya nga magpapa-audition, he, he, he.”

Sino-sino ba ang potential na puwedeng maging cast ng Encantadia, Ateng Maricris?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …