Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, ‘inilaglag’ ng mga kaibigan

120115 sam milby way concert

00 fact sheet reggeeSA ginanap na 10th year anniversary concert ni Sam Milby na may titulong The Milby Way na produced ng Cornerstone Concerts Events ay inilaglag siya ng mga kaibigan niya sa showbiz tulad nina Gerald Anderson, Rayver Cruz, Enchong Dee, John Prats, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Dimples Romana, Say Alonzo, Erik Santos, at Bea Alonzo dahil ibinuking kung ano ang hindi alam ng publiko sa Rockoustic Heartthrob.

Nagkatawanan nga ang lahat ng nasa KIA Theater nang ikuwento ni Bea na, ”si Sam Milby, napakabait na taong nakilala ko sa showbiz at maski na siya ang lalaki sa grupo namin kapag may show kami sa ibang bansa at pinakamatanda, it turned out na siya ang baby boy sa grupo lalo na kapag naglalambing, nakakaloka. At heto pa, hindi mo iisipin na ang guwapo-guwapo, pero ‘pag umutot, ang baho grabe.”

Habang pinanonood ni Sam ang VTR ni Bea ay tawa siya ng tawa at hindi mo nakitaan ng pagkapikon at sabay sabi niya na kaya raw niya nagagawa iyon sa mga taong komportable na siya kaya hindi siya nahihiya.

Kuwento naman ni John ay lukang-luka siya nang minsang mag-imbita  si Isabel Oli na hindi pa niya girlfriend noon sa isang party na pawang hindi nila kilala ang mga bisita.

120115 sam milby way concert 2“May banda kasi sa party, nakakadalawang kanta palang ‘yung banda tapos ini-request si Sam na kumanta, jamming at pinagbigyan naman niya, nag-start siyang (Sam) kumanta ng 12 midnight, imagine, 4:00 am. na kumakanta pa rin? Nag free concert talaga siya sa mga taong hindi namin kilala sa party,” natatawang pambubuking ni Pratty.

Pero malaki raw ang pasalamat ni John kay Sam dahil malaki ang partisipasyon nito kaya niya naging asawa si Isabel.

Hirit naman ni Rayver, ”si Sam, sobrang bait niyan at walang alam sa mga nangyayari dahil noong nasa San Francisco (USA) kami, nagka-problema ‘yung brake ng sasakyan namin at pababa ‘yung kalsada, so lahat kami nagsisigawan na kasi baka mabangga kami, eh, hindi pa kami nagso-show, so talagang hindi namin alam ang gagawin.”

“Buti si Gerald, may ginawa kaya napahinto niya ‘yung sasakyan, si Sam walang alam kasi busy sa apps na dina-download niya or something, basta nagkakalikot siya sa cellphone niya, tapos noong huminto na at saka lang niya tinanong kung anong nangyari. Imagine, muntik na kaming mamatay hindi pa niya alam?”

Samantala, surprise guest ni Sam ang ex-girlfriend niyang si Anne Curtis na sabi niya ng ipakilala niya, ”My 10 years wouldn’t be complete without her.”

At ibinuking ni Sam na si Anne raw mismo ang pumili ng kinanta nila na kombinasyon ng Hello ni Lionel Ritchie (Sam) at Hello ni Adele (Anne).

Pagkatapos ng dueto nila ay nabanggit ni Anne kay Sam, ”I’m so proud! Happy 10th anniversary! I’m happy that somehow I was part of those ten years.”

Aliw naman kami dahil nag-e-explain si Sam na tapos na raw ang nakaraan nila ni Anne at masaya na sila pareho sa kanilang mga buhay kaya huwag daw bigyan ng malisya ang dueto nila at ang mahigpit nilang yakapan.

At kaya raw nag-explain si Sam ay dahil nasa audience ang girl of his life na si Maria Jazmine, ha, ha, ha.

Successful ang The Milby Way concert, panalo ang design ng stage na scaffolding lang na naka-puwesto rin ang banda na kung titingnan ay nakatatakot dahil sobrang taas.

Ang ganda rin ng sounds na malayong-malayo noon sa concert ni Kyla, sayang!

Ang gagaling ng guests ni Sam mula kina Yeng Constaninto, KZ Tandingan, Kyla, Angeline Quinto, at Piolo Pascual.

 

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …