Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kumita man o hindi ang Angela Markado, okey lang kay Ms. Donna

111615 ANDi Angela Markado

00 fact sheet reggeeNAGULAT kami sa sinabi raw ng misis at lucky charm ni Direk Carlo J. Caparas na si Ms Donna Villa na hindi raw importante sa kanya kung hindi kumita ang Angela Markado ni Andi Eigenmann na release ng Viva Films dahil maraming projects pa naman daw silang gagawin at gusto lang nilang gumawa ng ingay.

Narinig lang naming pinag-uusapan ito ng mga katoto kaya napakunot- noo kami dahil kung totoong nabanggit ito ni Ms Donna, eh, ibig sabihin hindi siya naniniwala sa pelikulang idinirehe ng asawa niya?

Ikaw Ateng Maricris, naniniwala ka rin bang hindi kikita ang Angela Markado? Base naman kasi sa trailer ng pelikula ay maayos naman at gusto naming panoorin ito dahil gusto naming ikompara kung kaninong bersiyon ang mas maganda, ‘yung kay Hilda Koronel o kay Andi?

Anyway, ito rin ang pahayag ng kilalang personalidad sa showbiz na naniniwalang hindi pa kaya ni Andi magdala ng sariling pelikula dahil sa imahe niyang negatibo.

Ang mataray na sabi ng kilalang personalidad sa showbiz na narinig mo rin Ateng Maricris, ”ano bang pelikula niya (Andi) ang kumita na?”

Anyway, hoping pa rin kami na baka matsambahan ni Andi ang Angela Markadodahil ganitong klaseng istorya ang gusto ng mga mature viewer bukod sa mala-Popoy and Basha ng A Second Chance na mahigit P100-M na ang kinikita sa loob lang ng tatlong araw.

Gusto mo Ateng Maricris, sabay nating watch ang Angela Markado sa opening day nito sa December 2, Miyerkoles?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …