Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heartthrob Cong naging tampulan sa Kamara

THE WHO logoTHE WHO si Congressman na isa raw sa itinuturing na “Heartthrob”sa Kamara pero nito lamang huli, marami na ang nadesmayang kababaihan kasama ang ilang lady reporter.

Oh How sad naman.

Ayon sa alaga nating Hunyango, talagang ang lakas daw ng dating ni Cong sa mga tsikas dahil sa kakisigan na mala-Adonis!

Wow! Heartthrob nga!

Buhok. Check!

Mukha. Check!

Height. Check!

Tindig. Check!

Attire?!

‘Yan ang problema.

Heto na, nitong nagdaang araw lamang maraming puso ng mga chicka babes ang sugatan, ang iba ay na-shock at ang iba ay natawa na lang dahil sa kanilang natuklasan.

Kuwento sa atin, mayroong apat na reporter na nagkakape sa coffee shop ng Kamara na kinabibilangan ng dalawang lalaking ewan ko kung lalaki nga at dalawang byuting.

Inintriga pa ‘yung dalawang lalaking reporter.

Ituloy natin, habang nasa coffee shop nga ang apat na mamamahayag, napansin nila si ‘Heartthrob’ na nasa kabilang table at may kasama rin yatang kabaro niya.

Habang naroroon sila, siyempre tiningnan ng dalawang lady reporter si Cong at sinipat-sipat talaga ang kaguwapohan. Kumbaga ini-evaluate nila ang heartthrob na mambabatas.

Dito na nga nagkabiglaan sa suot ni sir dahil naka-polo barong, slacks at katad na sapatos pero ang medyas ay parang rainbow ang kulay!

Bwar har har har har!

Ang kulay daw kasi ng medyas ni heartthrob ay puti pero doon sa kalagitnaan nito ay may lining na green, yellow, violet, blue at red!

Sa’n ka pa!

TURN OFF!

Wahahahahahahahahaha!

Ano ‘yun sapin-sapin na kakanin?!

Naalaala ko tuloy ‘yung kantang “Ang boyfriend kong baduy…siya ay in-na-in ngunit out pa rin!”

Bwahahahahahaha!.

Kilalanin kung sino si Congressman na itago na lang natin sa pangalang “Fashion Artist” daw o!

In short FA!

Alugin ang utak para ma-gets n’yo!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …