Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaun, dinuro ni Bret dahil kay Ella

Ella Cruz bret jackson Shaun Salvador

00 fact sheet reggee“DINURO-DURO ni Bret (Jakcson) si Shaun (Salvador) sa dressing room noong TV5 trade launch. Galit na galit si Bret,” ito ang halos hindi humihingang kuwento sa amin sa kabilang linya.

Kuwento sa amin, bigla na lang daw pumasok si Bret sa dressing room o stand by area ng cast ng #ParangNormalActivity habang isinasagawa ang trade launch ng TV5 sa Valkyrie Club Palace sa BGC noong Miyerkoles ng gabi.

“So, you’re the one,” ito raw ang malakas na sabi ni Bret kay Shaun na nagulat.

At hindi naman daw nagpatinag si Shaun at dahil may breeding ay inabot niya ang kamay niya kay Bret para ipakilala ang sarili pero tinitigan lang daw siya ng isa sa rapist ni Andi Eigenmann sa pelikulang Angela Markado at sabay alis ng dressing room.

Marahil napahiya si Bret sa inasal ni Shaun dahil hindi sumagot ng pabalang ang batang aktor kaya walang dahilan para kantiin niya bukod pa sa maraming tao sa loob ng dressing room.

Nagtataka ang lahat bakit sinugod ni Bret si Shaun, eh, hindi naman daw sila nagkatrabaho pa o magkakilala kaya litong-lito ang mga nakakita.

Mega-tanong kami sa ibang kakilala namin sa TV5, Ateng Maricris at nalaman namin na nagseselos pala si Bret kay Shaun na ka-loveteam nito sa #ParangNormalActivity.

‘So, anong konek,’ balik-tanong namin sa aming kausap na taga-TV5?

“Eh kasi nga ‘di ba, nanliligaw o dyowa na ni Bret si Ella, baka naman kasi itong si babae, eh, may sinasabi tungkol kay Shaun, alam mo na, baka pinapaselos ni Ella si Bret,” kuwento sa amin.

Kung totoo ito, nakakaloka dahil hindi type ni Shaun si Ella Cruz dahil noong huling mainterbyu namin ang binatilyo sa taping ng Halloween episode ng #ParangNormalActivity ay tinanong namin kung type niya si Ella at diretso niyang sinabing, ”hindi po, friends lang.”

O baka naman sinadya ni Ella na gawan ng isyu ang dalawang aktor para pag-usapan siya kasi nga for the mean time ay hindi muna siya puwedeng mag-twerk-twerk dahil pinagbawalan ng doktor.

Eh, knowing Ella, gusto niya parati siyang pinag-uusapan at nasa pahayagan.

O, hayan napag-usapan nga si twerk girl dahil sa ginawa ng manliligaw niyang si Bret tila nakakatol ng mga oras na iyon.

 

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …