Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KathNiel, ‘di totoong binayaran ng malaki para iendoso si Roxas

112715 kathniel

00 fact sheet reggeeKAMAKAILAN ay kaliwa’t kanan ang batikos kay Daniel Padilla na sinundan naman ni Kathryn Bernardo nang iendoso nila si PresidentiableMar Roxas para sa 2016 election.

Malaking halaga tiyak ang ibinayad sa kanila ng dating DILG secretary para pumayag ang KathNiel lalo’t ang magka-love team ang isa sa most influential artists ngayon sa showbiz industry.

Pero kaagad itong itinanggi ni Mar sa panayam niya sa programang Beyond Politics with Lynda Jumilla sa ANC dahil wala raw usapang ganoon at iisa ang layunin ng KathNiel sa gusto ring mangyari ng tumatakbong presidente ng Pilipinas.

Nagkasundo sina Mar at KathNiel sa nangyaring Yolanda storm surge noong 2013 na libo-libong kababayan ang nasalanta.

Tubong Tacloban City ang nanay ni Daniel na si Karla Estrada kaya naman pinangunahan ng mag-ina ang pagtulong para sa kababayan nila at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila humihinto.

Isa ito sa ibinatong tanong ni Daniel kay Mar noong nag-usap sila bago siya napapayag na itaas ang kamay ng nasabing secretary.

Sabi nga ni Mar sa kanyang panayam, ”I thank them very much, Daniel in particular. He’s from Tacloban. And they knew the story of what happened during Yolanda.

“Nung umuwi sila roon noong bakasyon, parang nadinig nila ‘yung istorya and sabi nila, ‘parang hindi ito totoo,’ ‘yung politikal na paninira.

“Nagpapasalamat talaga ako that they said ‘hindi, hindi tama ito (paninira sa gobyerno).’ So I’m grateful to them. There was no financial arrangement whatsoever.

“I am very, very thankful that two young people, their mom Carla, of course, parang tumayo sila. They could’ve taken a safe space and just stayed away, deadma ganoon.”

Totoo naman na talagang hindi na pinapansin ng KathNiel ang pamba-bash sa kanila sa social media na kaya raw sila pumayag na iendoso si Mar ay dahil malaki ang ibinayad sa kanila at ito raw ang magiging daan para iwan na sila ng milyon-milyon nilang supporters.

Matindi rin ang paratang kay Kathryn na ‘itiniwalag’ na raw bilang miyembro ng Iglesia Ni Cristo dahil inunahan niya ang mag-endoso kaysa desisyon ng pamunuan na hindi alam ng lahat ay humingi raw ng permiso ang dalaga sa pamunuan ng INC.

Marami pang malalaking pangalan sa showbiz industry ang susuporta kay Roxas kaya nakatitiyak na kami na ang iisang tanong ng taumbayan lalo na ang kalaban sa politico ay, ”magkano.”

Anyway, ang ka-tandem ni Mar na si Camarines Sur Representative Leni Robredo sa pagka-Bise Presidente ay marami ring kilalang celebrities na nagpahayag na suportado nila ang ginang ng namayapang Jesse Robredo.

Obvious naman na walang milyones na ibabayad si Ma’am Leni para sa mga artistang ito dahil open book ang buhay nilang pamilya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …