Monday , December 23 2024

‘Disiplina’ ang kailangan

 EDITORIAL logoHINAHANAP-HANAP na ng matandang henerasyon ang salitang ito – disiplina.

Marami ang nagsasabi, ang kawalan ng disiplina, ang dahilan kung bakit lalong nalugmok sa kawalan ang ating bansa.

Dalawampu’t siyam na taon na ang nakararaan, nakaaninag tayo ng demokrasiya. Pero hindi pa sumasampa sa isang dekada, demokrasyang walang disiplina pala ang tinatahak ng mga bagong namumuno sa bansa.

Demokrasya na ang tanging natutuwa lamang ay ‘yung mga nakapuwesto o mga burukrata kapitalista, nasa mataas na antas o strata ng lipunan (naghaharing uri), mga asendero, military mafia at iba pang naambunan ng biyaya dahil umano sa ‘demokrasya.’

Sa hanay ng lehislatura, isinulong ng mga spoiled brat na mambabatas na makitid ang pang-unawa sa demokrasya ang Republic Act No. 9344 (An Act Establishing A Comprehensive Juvenile Justice and Welfare System, Creating the Juvenile Justice and Welfare Council Under the Department of Justice, Appropriating Funds Therefore and for Other Purposes.

Hindi nila alam mas mabilis pa mag-isip ang sindikato ng mga kriminal — ginamit sa criminal activities ang mga kabataang kalye na hindi nakapag-aaral at hindi nakakakain nang husto — kaya kapag nahuli sa pagnanakaw o pagtutulak ng shabu hindi nakakasuhan ng mga awtoridad. Ganito ang pagkilala ng marami sa atin sa salitang demokrasya. Malaya sa lahat. Malayang magnakaw sa kabang yaman ng bayan. Malayang pumatay, malayang manghalay, malayang mang-agrabyado ng kapwa, at kung ano-ano pang paggamit ng kalayaan para sa adbentaha ng kanilang interes.

Magtataka pa ba tayo kung bakit lugmok ang Filipinas? Kulelat na tayo sa mga bansang nagpatampok ng disiplina sa kanilang mamamayan at pamahalaan para maabot ang kaunlaran.

About Hataw News Team

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *