Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rape scene ni Andi sa Angela Markado, mas matindi kompara kay Hilda

112615 andi eigenmann hilda coronel

00 fact sheet reggeeANO kayang rating ang ibibigay ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa pelikulang Angela Markado ni Andi Eigenmann na idinirehe ni Carlo J. Caparas na mapapanood na sa Disyembre 2, Miyerkoles handog ng Oro De Siete Productions at Viva Films?

Sabi ng taga-Viva ay ngayong araw palang daw nila ipare-preview ang Angela Markado sa MTRCB at hoping sila na sana hindi naman masyadong mahigpit o putulin ang mga importanteng eksena.

Kaya kami curious kung anong rating ay dahil sa sinabi ni direk Carlo na mas matitindi ang rape scenes ni Andi Eigenmann kompara kay Hilda Koronel na napanood noong 1980 na idinirehe naman ni Lino Brocka.

Nakadi-disturb nga ang mga eksenang binanggit ni direk Carlo base sa napanood naming trailer noong presscon ng Angela Markado sa Music Hall, Metrowalk, Pasig City.

Ito rin naman ang inamin ni Andi na totoong nahirapan siya sa rape scenes kaya inabot sila ng isang linggo sa shooting.

Sangkaterba nga raw ang mga pasa at sugat sa katawan ni Andi mula sa rapists niyang sina Epy Quizon, Paolo Contis, Felix Roco, Polo Ravales, at CJ Caparas (anak nina direk Carlo at Donna Villa) na tinototoo ang mga eksena.

Sabin g aktres, “actually, mahirap siya, aside roon sa emotions na kailangan mong ipakita, napakahirap din ng action stunts. And ang hahaba ng mga eksena.

“You know what, we had so much fun shooting that rape scene, hindi nila ako pinabayaan. Actually, naging magtotropa na kaming anim.

“Matagal na naman talaga na magkakatropa kami. Pero sa set namin ngayon, ang saya.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …