Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice, ‘di pa sure kung sino ang ieendosong pangulo

062515 vice ganda

00 fact sheet reggeeIT’S Final, kakandidatong Presidente ng Pilipinas si Davao Mayor Rodrigo Duterte, nagsabi na siya kamakailan.

Kaya tinanong namin si Vice Ganda via text message tungkol dito dahil tanda namin ay vocal siyang nagsasabi noon na iboboto niya si Duterte.

Ang mabilis na sagot ng TV host/actor, ”ako’y nagmumuni-muni pa, wala pa talaga akong final decision.”

Diretsong tanong namin kay Vice na balitang inalok daw siya ni Mar Roxas.

Mabilis na sagot ni Vice, ”I met up with him (mar), pero wala namang commitments, casual na usap lang.”

Sa tanong kung ano ang masasabi niya kay Mar sa nasabing pag-uusap at ito rin ba ang dahilan kaya nasabi na ni Vice na nagmumuni-muni na siya ngayon kung sino ang iboboto niya? Rati kasi sinabi niya talaga na si Duterte na.

“Type ko rin naman si Duterte, pero wala naman akong sinabing with finality na siya na ang iboboto ko.

“Type ko rin naman sina Mar at Grace (Poe-Llamanzares). Pero wala akong pinagbigyan ng commitment kahit kanino sa kanila. Kailangang pag-isipang mabuti,” sabi ulit ni Vice.

Sino naman sa mga kumakandidatong Vice President ang type ni Vice?

“Dalawa type ko, eh. ‘Di pa rin sure,” mabilis nitong sagot.

So alam mo na Ateng Maricris kung sino ang iboboto ni Vice, read between the lines na lang.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …