Saturday , December 28 2024

Katarungan sa Maguindanao Massacre, anong petsa na?! (Anim na taon na ang nakalilipas)

ampatuan 6NGAYONG araw ay anim na taon na ang nakararaan nang paslangin sa isang kahindik-hindik na massacre ang mahigit 50 katao kabilang ang 32 mamamahayag sa Maguindanao.

Ang sabi ni Pangulong Benigno S. Aquino III, titiyakin niya na bago matapos ang termino ng ‘daang matuwid’ ay maigagawad ang katarungan sa mga kaanak ng biktima.

Sa Hunyo 2016 ay matatapos an ang termino ni PNoy, matupad kaya niya ang pangakong, maigagawad ang katarungan sa mga kaanak ng mga biktima?!

Sa proseso naman ng pagdinig sa nasabing kaso, kumusta naman ang kalagayan ng mga kaanak ng mga biktima?       

Alam natin na karamihan sa mga napaslang ay siyang breadwinner sa pamilya.

Marami nga sa kanila ay naiwan ang maliit nilang mga anak sa kanilang mga maybahay.

Mula sa dating simpleng maybahay, marami sa kanila ang napilitang maghanap ng pagkakakitaan para maipagpatuloy ang pagpapaaral sa aknilang mga anak.

Maraming mga tao at organisasyon ang nangako na tutulungan ang mga naulila ng mga biktima, natulungan naman kaya?! Lalo na sa pag-aaral?!

Nagtuloy-tuloy naman kaya ang ayuda ni Gov Esmael Mangudadatu?!

Naniniwala naman tayo na hindi pinabayaan ni Gov. Mangudadatu ang mga naulila. Kung matatandaan inalalayan sila no’ng mga namatay sa paghahain ng kanyang kandidatura.

Kumbaga, kung dati ay urong-sulong si Gov. Mangudadatu sa pagtakbo, noong nangyari ang massacre, aba ‘e walang kahirap-hirap na nanalo siya sa eleksiyon.

Kaya nga marami ang nagtatanong, sino o sino-sino ba talga ang nakinabang sa Maguindanao massacre?!

Anyway, sabi nga ‘e nangyari na ang isang karumal-dumal na pamamaslang, ang hinahangad na lang natin ngayon  ay KATARUNGAN.

Kinuha na nga ni LORD ‘yung partiarka ng mga perpetrator, ‘di ba?!

Ngayong ika-anim na anibersaryo ng kanilang kamatayan, hinihikayat natin ang lahat na mag-alay ng panalangin para sa mga mamamahayag na biktima ng karumal-dumal na pamamaslang sa Maguindanao massacre.

Alam nating maraming organisasyon ang maglulunsad ng iba’t ibang klaseng seremonya at protesta.

May mag-aalay ng bulaklak, magmamartsa at magra-rally sa kalye, magsusunog ng kung ano-ano at magsisisigaw-sigaw sa kalye.

Anyway, baka doon sila eksperto.

Sa bahagi natin, uulitin po natin ang kahilingan, mag-alay ng mataimtim na panalangin para makamit ng mga naulila ang katarungan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *