Saturday , December 28 2024

Hindi na nga ba ligtas ang Baliuag laban  sa ilegal na droga?

022714 marijuana drugsDUMULOG sa inyong lingkod ang ilang residente sa Baliuag, Bulacan, kaugnay ng nakatatakot na operasyon ng ilegal na droga sa kanilang bayan.

Lalo na nang may nangyaring masaker na limang tao ang pinaslang kabilang ang isang menor-de-edad.  

Mismong pulisya ang nagkompirma, droga ang isang anggulo na kanilang tinututukan sa pagpaslang sa mga biktimang kinilalang sina Axel John Batac, sa kanyang live-in partner na si Angel Romero; Mark Christian Bergonia, 16; Alvin Cruz, 42, at isang alyas “Kamote” isang Linggo ng madaling araw.

Lagos-lagos ang mga bala sa katawan ng mga biktima nang matagpuan sa loob ng isang nirerentahang apartment sa Garnett St., Barangay Sabang. Nakita rin sa crime scene ang halos 10 sachet ng shabu.

“Ano na ang nangyari sa kampanya ng Baliwag police at ng PDEA laban sa talamak na droga sa makasaysayang bayan na ‘yan ng Bulacan?”

Nakatatakot kung pababayaan lang na magpatuloy ang paglaganap ng droga sa nasabing bayan? 

Nakapanghihinayang na ang bayan na minsang nakilala sa disiplina at kalinisan ay isa na ngayong bagsakan ng droga?!

Tsk tsk tsk…

Mukhang malabnaw ang kampanya ng Baliwag PNP laban sa ilegal na droga, kaya hindi na nakapagtatakang lumaganap ito.

Bilang advocate ng illegal drugs, paulit-ulit po nating sinasabi at ipinaaalala na ang ilegal na droga ay walang pinipili.

Edad, kasarian, katayuan sa buhay at sa lipunan.

Hindi pinag-uusapan dito kung mayaman o mahirap man. Ang dapat nating tandaan, kapag nahagip kayo ng ilegal na droga, tiyak wasak ang kinabukasan at buhay ninyo!

Sana ay maging mulat din ang awtoridad sa bayan ng Baliuag sa katotohanang ito.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *