Friday , November 22 2024

MTRCB deputy card holders nagtatrabaho ba nang tama?!

MTRCB DeputyAKALA natin noong una, iilang tao lang ang binibigyan ng ganitong pribilehiyo — ang maging Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Deputy Card Holder.

Kapag mayroon  kasing MTRCB Deputy Card Holder, siya dapat ay nakatutulong sa pagpapatupad ng Presidential Decree 1986.

Ito ‘yung batas na bumuo sa MTRCB at ‘yung nagbabantay kung walang nakalulusot na programa sa pelikula at telebisyon na lumalabag sa mga itinatadhana ng batas.

Kapalit nito, ang MTRCB Deputy Card Holder ay pinapayagan pumasok sa mga sinehan (dito lang po sa bansa natin) na walang bayad basta ipakikita ang kanyang ID.

Puwede siyang magsama ng isang tao na hindi rin magbabayad (libre) bilang witness sa kanyang monitoring compliance kung mayroong nakitang mga paglabag.

Ito po ngayon ang tanong, ilan ba talaga lahat ‘yang naisyuhan ng MTRCB Deputy Card?!

Kung hindi tayo nagkakamali ay halos 6,000 indibidwal daw ang nabigyan ng ID na ‘yan.

Ayon nga sa ating source, halos lampas sa kalahati ng Kamaganak Inc., ang nabiyayaan ng deputy card na ‘yan. Totoo ba ‘yan?

Nakita rin natin ang ID card ng mga MTRCB Deputies, talagang masasabi nating magandang klase. Magkano kaya ang ginastos diyan?!

At ang pinaka-importanteng tanong, nagtatrabaho ba naman sila? Sulit ba ang budget na inilalaan ng MTRCB sa 6,000 deputy cards na ‘yan?!

MTRCB Chairman Eugenio “Toto” Villaruel, puwede bang isapubliko ninyo kung ilan sa 6,000 deputy card holder na ‘yan ang nagtatrabaho?!

Huwag na ninyo ipakita ang pangalan nila. Ipakita n’yo na lang kung mayroon silang nagagawang report.

Hihintayin po namin ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *