Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suklay Diva, ipo-produce ng concert ni Vice; RJ, gagawa na ng album sa Viva

111915 Suklay Diva

00 fact sheet reggeeSA ginanap na benefit show ng #Setlist para kay Rogie Manglinas, 19,  football player ng UP Diliman Team na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na kanser at nakaratay sa Philippine General Hospital, nabanggit ni Angeli Pangilinan-Valenciano na nagustuhan ni Vice Ganda si Katrina Velarde alyas Suklay Diva. Kaya naman planong i-produce ng concert ni Vice si Katrina na nagpakita rin ng galing sa X-Factor at kasama sa grupong AKA Jam.

Napanood namin ang sinabing ito ni Vice sa Gandang Gabi Vice nang mag-guest si Suklay Diva na ayon mismo sa TV host/actor ay naniniwala siya sa talento ni Katrina.

Kaya naman excited din ang manager ni Suklay Diva sa pangakong ito ni Vice.

Kaya ang tanong namin ay kailan kaya ito mangyayari bagamat alam naming super busy si Vice dahil nagsu-shooting siya ng Beauty and The Bestie na entry ng Star Cinema at Viva Films sa 2015 Metro Manila Film Festival sa December.

Kilalang matulungin si Vice kaya kung sakaling matuloy ito ay posibleng hindi niya kunin ang proceeds ng concert ni Suklay Diva at ido-donate niya ito sa mga nangangailangan tulad nga ni Manglinas na nangangailangan ng panggastos para sa chemoteraphy.

Anyway, kabilang si Suklay Diva sa grupong #Setlist nina Monique Lualhati atRJ de la Torre.

Parehong magagaling kumanta sina Suklay Diva, RJ, at Monique pero si RJ lang ang inalok ng Viva boss na si Vic del Rosario na i-produce ng album.

Naikuwento ito sa amin ng owner ng Manila Genesis habang pinanonood namin si RJ sa awiting Kahit Kailan ng Southboarder na gandang-ganda raw si boss Vic sa version ng baguhang mang-aawit na galing Los Angeles, USA.

Inisip na lang namin na pareho ng genre sina Monique at Suklay Diva kay Sarah Geronimo kaya baka nga naman magkaroon ng kompetisyon kaya mas pinili ni boss Vic s RJ.

Samantala, hindi man full pack ang benefit show for Rojie ay bayad naman ang lahat ng bakanteng lamesa at hindi lang daw nakarating ang mga nagbayad.

“Per table ang bayad dito hindi per tao, so kahit walang mga nakaupo, paid na lahat ‘yan kaya I invited friends to fill in the tables kasi sayang naman,” sabi ni Angeli na tinaguriang Mother of Fund Raising projects.

Kuwento pa ni Angeli, ”kapag may mga ganitong fund raising projects, ako ang nilalapitan ng lahat, so kayo (entertainment press), kung may mga kasama kayo or members of your family who needs support just let me know, makatutulong naman kami kahit paano.”

 FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …