Friday , November 15 2024

S/Supt. Ernesto Tendero todo kampanya para sa Pateros Peace & Order

00 Bulabugin jerry yap jsyNANINIWALA ang inyong lingkod na ang matinding kalaban ngayon ng mga komunidad ay ilegal na droga.

Pinakamatindi riyan ‘yung shabu na walang pinipiling panahon, edad, propesyon at estado sa lipunan.

Sabi nga, ang shabu, dinaig pa ang Tazmanian devil, hindi lang pisikal na kaanyuan ang winawasak kundi maging ang utak, emosyon at maging ang spiritual value ng isang tao.

Kaya naman isa tayo sa  bumibilib kapag mayroong awtoridad lalo na sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang seryoso sa pagsugpo ng ilegal na droga.

Hindi na tayo nagtaka na mula nang maitalaga si S/Supt. Ernesto Tendero sa Pateros ay naging sunod-sunod ang pagsalakay sa mga drug den, pagdakip sa mga notoryus na drug dealer at kompiskasyon ng mga shabu.

Bagama’t maliit lang na munisipalidad ang Pateros at alam nating maliit din ang budget, pinasisikhayan talaga ni S/Supt. Tendero na maitaguyos ang peace and order sa munisipalidad para sa kaligtasan ng mga mamamayan lalo na ng mga kabataan.

Naniniwala tayo na ang pagsisikap na ipinakikita ni Kernel Tendero ay dapat suportahan ng buong komunidad at munisipalidad nang sa gayon ay mabawasan kundi man tuluyang magwakas ang pamamayagpag ng ilegal na droga sa nasabing bayan.

Kudos, Senior Supt. Ernesto Tendero!

Kilala namin si Win Gatchalian!

Sino ba naman ang hindi makakikilala kay Win Gatchalian.

Siya ‘yung Gatchalian na anak ng plastic king sa Valenzuela City.

Sa totoo lang bilib sana tayo sa pamilya Gatchalian. Aba ‘e napakahusay nilang magnegosyo.

Mula sa negosyong plastic ay napunta sila sa hotel industry at ngayon naman ay sa politika.

Hanep ‘di ba?!

Mula sa industriya patungong political dynasty.

Mayor, district congressman at party-list representative at ngayon naman ay sumasabak sa senado.

Aba, ibang klase talaga.

Kulang na lang ‘e tumakbong presidente ang tatay nila.

Parang alam na natin kung kanino kumukuha ng ideya ang mga Gatchalian para maitayo ang kanilang political dynasty…

Tsk tsk tsk…

Ang haba na ng panahon ng paglilingkuran ninyong mga Gatchalian, sana naman ay maisip ninyong itaas ang kalidad ng mga manggagawa sa lungsod ninyo.

Alam na alam ninyong maraming manggagawa diyan ang nabubuhay below poverty level, kung seryoso kayong maglingkod sa sambayanan, ang mga manggagawa sa Valenzuela ang unahin ninyo!

Lipunang walang katinuan

Wla nang pagkatino talaga itong lipunang ito binaboy nang todo at nilapastangan nang todo ang tma, mga batas tlga dito sobra-sobra din talgan ang pagging adik sa kawalanghiyan ‘yang mga hukom na de animal di na sa kuwarta suprema kaya nasa ating taong byan talga ang kapalaran nitong bansa nating agaw buhay sa mga kahayupan. Salamat po katropa Donald ng Rondo #+63919665 – – – –

Tunay na lider ang ihalal

Nasa ating mga mamayan po talaga ang lakas at kapangyarihan o ika nga ay magiging guhit ng ating kapalaran. Sa ating pagpili ng mga tamang lider dito sa bansa natin, gutom  at uhaw sa tunay na paglaya na idinulot ng mga kamalian na matagal nang naging sanhi kung bakit nagdurusa ang iisa at dapat na pinagmamalasakitan na bayan natin at iligtas po nating taong byan ang lipunan natin sa mga salot at kawalan ng tunay na lider. Salamat po. #+6391966 – – – –

Idol si Lim, Duterte at si Percy Lapid

Tunay na masarap pangarapin talgang yang tunay nma pagbabago dito sa lipunan nating halos patapon na kung meron lang sanang limang Mayor Fred Lim at limang Mayor Duterte at naghahayag nang tama at katotohanan tulad ng programa Lapid Fire Katapat at Hataw sa Balita at Komentaryo, tunay na magkarroon ng tagumpay ang bansang ito laban sa mga kamalian at kabulukan. Salamat po. #+6391966 – – – – –

Problema sa trapiko hindi nalutas ni Tolentino

Kua jerry good day/night po, para kay Tolentino, ex-MMDA. Kapag senador siya, kung mananalo, ‘wag siya gumawa ng batas-trapiko na ‘di ipinatutupad, ano na ang nangyari sa blue line ng EDSA para sa mga motorsiklo? Sayang lng road test ni Honasan at Ramos, palpak  ‘yun 60kmh run pag may parte maluwag EDSA, ang bibilis na tumakbo mga sasakyan hindi na rin pinatupad wala na humuhuli, ang problema  naman trapik diyan ‘pag mataong lugar, taxi bus, jeep pag walang sakay nakaparada nang matagal o usad-pagong, kuha nila tatlong lane kaya kapag nagtarapik, alisin niya mga illegal terminal at huliin mga  abusadong driver wag na gumawa ng batas ‘di tinutupad. Kuya Jerry, para kay MMDA Tolentino sana ako, siya gagawin ko coding pag ako nakaupo tuwing Lunes 12 3 4 Martes 5 6 7 8 Miyerkoles 9 0 1 2 Huwebes 3 4 5 6 Bi-yernes 7 8 9 0 ‘yan dapat mabawasan ang trapik kahit ano gawin di na mawala trapik hangang  may mga walang disiplina driver  pumarada nang wala sa ayos  at magpapatupad ng batas trapik. #+63908938 – – – –

Hilo na si Mar

SABI ni Mar palawakin pa raw ang daan matuwid! Anu cia hilo? Puro bangga na nga inabot natin ke PNoy dala lagi ang kanyang sarcastic simile pki-omit po last 3 nos ko at baka ma-bully txt ako. #+63936280 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *