Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TR-APEC-TA’DO

EDITORIAL logoINABOT na naman ng indulto ang mamamayang Filipino dahil sa maling     desisyon at ‘short-sightedness’ ng mga policy maker at decision maker sa kasalukuyang gobyerno na pinamumunuan ng natatanging anak na lalaki ng democratic icons na sina dating senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr., at dating presidente Corazon Cojuangco Aquino.

Nag-aalborotng commuters at motorista ang numero unong biktima ng malawakang pagsasara ng major thoroughfares lalo na ‘yung mga nanggaling sa south Luzon.

Ang mga bus mula sa Cavite na dumaan sa Aguinaldo Highway ay hanggang Bacoor lamang, kaya ang commuters ay naglakad mula Bacoor, Cavite hanggang Lawton sa Ermita. Manggagawa, estudyante, empleyado, pensioners, sundalo, pulis — babae, lalaki at bata —— ang tinutukoy nating commuters. Mayroong buntis na nanganak sa Parañaque, mayroong lola na napilitang maglakad dahil kailangan niyang magpa-check-up. Maraming hindi nakapasok sa trabaho at nagsibalik na lang sa kanilang mga bahay.

Wala namang nababalita na natigok dahil sa kunsumisyon pero tiyak marami ang tumaas ang presyon at inatake ng hika dahil halos limang oras pataas ang ipinagtiis nila sa non-moving traffic sa major thoroughfares gaya sa Roxas Blvd., EDSA, Buendia, Magallanes Drive at maging sa Osmeña Highway.

Sana nga raw ay idineklara na lang na walang pasok kung nagdesisyon rin naman ang pamahalaan na isara ang malalaking kalsada.

Walang naitulong ang mga sinabi nilang Mabuhay Lane dahil sarado nga ang major thoroughfares.

Sa nakakukunsuming pangyayari nitong Lunes, iisa lang ang sentimyento ng sambayanan, hindi lang P10 bilyon ang ikinalugi ng mga Pinoy, higit pa rito dahil tinarantado ng ‘APEC’ ang traffic sa kalye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …