Saturday , December 28 2024

Si Alma, si Alma si Alma na naman…

alma moreno‘YUNG tubig ni Vandolph dapat memorial water!   

Naalala n’yo pa ba ang joke na ito?!

S’yempre si Alma ‘loveliness’ Moreno ‘yan!

Hindi na nalilimutan ‘yan… lalo na ngayong naging viral ang interview sa kanya ng isang lady broadcaster na hindi natin maintindihan kung ano talaga ang layunin kung bakit sa dami ng magagaling na kandidato ‘e si Alma pa ang inunang ma-interview.

Sabi nga sa Latin, In flagrante delicto ibig sabihin caught in the act na ‘tumatsamba’ lang si Alma.

Wala tayong masamang tinapay kay Konsehala Alma Moreno, sa totoo lang, isa tayo sa sumuporta sa kanya noong unang pagkakataon na siya ay sumabak sa politika.

Pero por Dios por Santo, ang pagpasok sa Senado ay nangangahulugan na kailangan mag-aral pa at laging pag-aralan ang sitwasyon para maging angkop ang batas na lilikhain.

Kumbaga, hindi lang updated dapat innovative pa, dahil ang pinag-uusapan dito ay future at lifetime laws na gagabay sa ating pamahalaan.

At mukhang ‘yan ang problema ng ilang celebrity. Akala yata nila, ang unang requirements sa pagpasok sa politika ‘e ‘yung kilala at sikat lang sila.

Excuse me po, dapat may ALAM, at hindi lang basta alam, dapat maraming alam.

Masisisi ba natin si Ms. Lady Broadcaster kung nasibat sa eksaktong weakness niya si Alma?!

Ang ibig nating sabihin, kung alam na sasalang sa interview on national television, dapat preparado ang interviewee at interviewer.

Ang dami nang paraan ngayon. Hindi naman dapat kabisadohin Ms. Alma, tablet lang ang katapat niyan!

Mukhang ‘patay ang ilaw’ nang magbasa ng lessons si Alma, kasi hindi niya natandaan kung ano ang inaral niya.

Tsk tsk tsk…

At dahil nasa social media era na tayo, wala nang magagawa si Alma kundi bilangin na lang kung ilan ang views at ilan ang shares ng ‘nakatutuwa at nakaiinis’ na interview segment na ‘yan.

O kaya basahin niya isa-isa ang comments and replies baka makapulot siya ng magagandang puntos at payo.

Kung sabagay, may dalawang epekto ‘yan, pwedeng marami ang nagtatawa at paulilt-ulit na pinag-uusapan si Alma dahil sa interview na ‘yan…

Pero puwede ring marami ang maawa sa kanya, lalo na ‘yung mga babae at matatanda at ang simpatiyang ito ay irehistro nila sa boto — tiyak ‘yun pasok sa Senado si Alma kapag nagkataon.       

Pero isa lang ang lesson dito Ms. Alma — BE PREPARED on your new endeavours.

Uulitin ko lang po, hindi pwedeng sikat lang dapat may ALAM din.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *