Saturday , November 23 2024

Maraming panalo si Tolentino kapag nakapasok sa Senado

TolentinosNgayon pa lang, marami na ang mga kababayan natin ang ninerbiyos kapag nakapasok sa Senado si dating MMDA Chairman Francis Tolentino.

Abogado kasi si Tolentino habang ang kanyang pamilya ay sinasabing tumitiba ngayon sa real estate business sa Tagaytay na ang mayor ay kanyang utol na si Bambol.

Huwag na tayong lumayo, sa real estate naging milyonaryo si dating Senador Manny Villar, at ganoon din ang claim ni Bro. Mike Velarde ng El Shaddai.

Kumbaga, talagang magandang business venture ang real estate na nililinyahan ngayon ng mga Tolentino.

Kaya nga ang sabi ng mahihirap at maliliit na taga-Tagaytay, malamang na hindi sila makapag-angkin ng lupa sa nasabing lalawigan kapag naging Senador si Francis…

Ang tanong natin, bakit?

Kasi raw, ang kalakaran ngayon sa Tagaytay napakahirap magpatitulo ng lupa kung residential lang at alam agad na pangkaraniwang mamamayan lang at maliit na empleyado.

Pero kapag negosyante umano, matulin pa sa alas-kuwatro. ‘Yun lang daw, bukod sa goodwill at SOP ‘e tosgas talaga sila nang malaki.

‘Yan ‘e kung walang kalaban na mas kayang magbayad nang mas malaki.

‘E kung mayroong mas malaki magbayad tiyak sila ang makapagpapatitulo.

At ‘yan po ang pangunahing pangamba ng mga taga-Tagaytay.

Nauna pa raw dumami ang mga condo at business establishments sa Tagaytay kaysa public schools para sa mga anak ng mga magsasaka at malilit na manggagawa.

Kumusta na ang Tagaytay Science High School?!  

Maitanong lang din natin, may naitayo na bang maipagmamalaking libreng public hospital ang mga Tolentino sa Tagaytay?!

Sana naman ‘e may maisagot ang mga Tolentino sa tanong na ito — kahit alang-alang lang sa kandidatura ni Francis.   

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *